Daily Tribune (Philippines)

CHIE FILOMENO, MAY BIG 4 LIST

- Ni Sundy Locus

Kung tatanungin ang Pinoy Big Brother house evictee na si Chie Filomeno kung sino ang kanyang Big 4 sa Bahay ni Kuya, hindi raw mawawala sa listahan niya si Madam Inutz sa kabila ng naging rason nito para i-nominate siya na mapalabas sa PBB house.

“Sa akin kasi like tinanong ako kung sino ang Big 4 ko, siya (Madam Inutz) lang ang hindi natatangga­l sa Big 4 ko. As in siya talaga ‘yung Big 4 ko whether narinig ko na ‘yung sinabi niya kasi alam ko kung ano ang na-offer ko sa loob ng Bahay ni Kuya. Alam ko kung ano ang mga nagawa ko for the housemates, also for myself,” sabi ni Chie.

“Mayroon rin kasing instances talaga na ang laki ng bahay so hindi mo talaga makikita din kung ano ang ginagawa and ang dami namin so du’n ko na lang tinignan sa perspectiv­e na ‘yun,” dagdag niya.

Ayon pa sa dalaga, hindi naman nagbabago ang tingin niya sa nakasamang housemate sa kabila ng sinabi nito sa kanya.

“And si Madam Inutz, she’s a strong, independen­t woman, a single mom and alam ko lahat ng pinagdaana­n niya so that doesn’t change like kung ano ‘yung tingin ko sa kanya kahit narinig ko ‘yun. She’s still one of my Big 4,” saad ni Chie.

Kung matatandaa­n, nag-viral sina Chie matapos ang 3rd nomination night ng PBB dahil sa naging dahilan ni Madam Inutz sa pagboto sa kanya, kung saan binigyan niya ng two points ang dalaga at sinabing “Ready na siya. Ready na siyang umalis kasi nga wala naman siyang ginawa. Wala naman siyang maiambag sa bahay kundi pagpapagan­da.”

Nang matapos ang nomination night ay kasama si Chie sa listahan ng mga nominado at tuluyan na ngang nagpaalam sa Bahay ni Kuya matapos ang isang linggo.

Siya ang 3rd evictee ng “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10”. Sa kabila ng maagang paglabas mula sa pinakasika­t na bahay sa bansa, sumalubong naman kay Chie Filomeno ang umaapaw na pagmamahal at blessings mula sa outside world. Kamakailan ay itinanghal siya bilang 2022 calendar girl ng isang kilalang inuming nakalalasi­ng.

Char!

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines