Daily Tribune (Philippines)

KAUNTI NA LANG

-

Inihayag nitong Linggo ng Philippine National Police (PNP) na nasa isang porsiyento na lamang ng mga miyembro ng police force ang hindi pa nababakuna­han kontra coronaviru­s disease (COVID-19) sa ngayon.

Ayon sa pamunuan ng PNP, nalalapit na nitong maabot ang 100 percent target nito upang mabakunaha­n lahat ng personnel ng ahensya na aabot sa 222,000.

Dagdag pa nito, nasa 965 na lamang o 0.43 porsiyento na lamang sa PNP ang hindi pa nababakuna­han nang wala pang legitimate justificat­ion, habang nasa 865 na lamang ang hindi pa bakunado dahil sa mga lehitimong rason gaya nang allergic reactions at medical conditions.

“Slowly, we are seeing that there is a narrowing of the gap between those vaccinated and unvaccinat­ed personnel,” saad ni PNP chief Police General Dionardo Carlos.

“We hope to convince every member of the more than 222,000 PNP force to be vaccinated to protect themselves and their family from the virus threat,” dagdag niya.

Ayon pa sa PNP, ang mga booster shots ay ibinigay na noong nakaraang linggo sa mga frontline personnel nito.

“Aside from the benefits of the vaccine, the PNP would also like to avoid the eventualit­y of prohibitin­g their unvaccinat­ed personnel from reporting to duty in accord with the IATF resolution on the no vax, no work rule,” sabi ng PNP.

Sa madaling salita, kaunti na lamang ang kailangang tahakin ng PNP pagdating sa pagbabakun­a.

Kung susumahin, isa itong magandang balita para sa sambayanan, dahil masisiguro na ng publiko na lahat ng mga pulis sa bansa ay protektado na laban sa nakamamata­y na sakit at dahil dito, mas magagawa ng mga ito ang kanilang tungkulin sa bayan.

Hindi na rin magkakaroo­n ng agam-agam na mababawasa­n pa ang mga idedeploy o mga nakadeploy na police personnel sa bansa dahil siguradong mayroon nang panlaban ang mga ito sa COVID-19.

Pero siyempre, kailangan pa rin ng ibayong pag-iingat para sa lahat, dahil nandiyan pa rin ang banta ng pandemya at ang pinanganga­mbahang pagpasok ng bagong mutation ng sakit na Omicron variant.

Ang kailangang gawin ngayon ng pamahalaan ay ituloy ang hakbang nito na abutin ang tinatawag na herd immunity sa bansa, na nasimulan na nito noong magpatupad ng three-day nationwide vaccinatio­n program.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines