Daily Tribune (Philippines)

PAGTAAS NG PRESYO NG LANGIS, HINDI MAPIPIGILA­N

-

WALANG aasahan ang publiko na pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo sa harap naman ginagawang pananakop ng Russia sa Ukraine.

Nitong Sabado, inihayag ng mga industry sources na posibleng tumaas ang presyo ng langis mula P5.40 hanggangP5.50 kada litro sa susunod na linggo.

Ito na ang pang-10 linggo na magpapatup­ad ng taas presyo ang mga kompanya ng langis sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdig­ang merkado.

Inaasahang epektibo ang panibagong dagdag presyo mula 8 hanggang Marso 2022.

Base sa pagtaya ng Unioil aabot ang taas presyo ng diesel hanggang P5.50 kada litro.

Samantalan­g inaasahan naman aabot sa P3.40 hanggang P3.50 kada litro ang presyo ng gasolina.

Nitong Biyernes, 5 Marso 2022, umabot na sa $120 kada isang barrel ang presyo ng langis sa pandaigdig­ang merkado.

Walang nakaaalam kung kailan tatagal ang ginagawang panggigiye­ra ng Russia sa Ukraine at kung ito ay kakalat pa sa ibang bansa.

Ngayon pa lamang nagbubukas ang ekonomiya matapos ipatupad ang Alert Level 1 sa Metro Manila ang 38 iba pang bansa ngunit sinabayan naman ito ng ginagawang pambobomba ng Russia kayat apektado ang buong mundo.

Isa ang Russia sa pinagkukun­an ng langis, matapos naman itong sumunod ito sa United States at Saudi Arabia.

Sinusuplay­an nito ang China, Japan at South Korea kung saan naman umaangkat ng langis ang Pilipinas.

Kung magpapatul­oy ang kaguluhan, wala pang nakikitang paghinto sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ang dalangin na lang natin ay matapos na ang giyera at matigil na ang ginagawa ng Russia.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines