Daily Tribune (Philippines)

BAGONG TARGET: 1.8 MILYONG BAKUNA

VAX ROLLOUT NG GOBYERNO, NAGPAPATUL­OY…

- NI KITOY ESGUERRA

Inihayag ng National Vaccinatio­n Operations Center (NVOC) nitong Lunes na target ng Pilipinas na makapagbak­una ng 1.8 milyong coronaviru­s disease (COVID-19) vaccine doses sa loob ng tatlong araw sa isasagawan­g panibagong malawakang national vaccinatio­n drive.

Ayon sa NVOC, isasagawa ang ang ikaapat na Bayanihan Bakunahan Program mula Huwebes, Marso 10, hanggang Sabado, Marso 12 at layon nitong mas mailapit ang bakunahan sa mga Pilipino sa pamamagita­n ng pagdaraos nito sa mga lugar ng pinagta-trabahuhan at pagbabahay-bahay.

Dagdag nito, nagpapatul­oy ang koordinasy­on ng Department of Health (DoH) regional offices sa mga opisina ng gobyerno, eco-zones, at pribadong kompanya kaugnay ng gagawing pagbabakun­a kontra COVID.

Sinabi naman ni Dr. Paz Corrales, medical consultant ng National Task Force Against COVID-19, na nakikipag-ugnayan na rin ang NTF sa Philippine Medical Associatio­n para muling tumulong sa pagbabakun­a. Nananawaga­n din ang gobyerno para sa volunteers sa national vaccinatio­n days.

“Definitely we need volunteers for that. If ever there are volunteers, lumapit lang po sa local government units (LGU) at regional offices ng DoH,” saad ni Corrales.

Target ng gobyernong itaas sa 70 milyong Pilipino ang bakunado kontra COVID-19 sa katapusan ng Marso.

Sa pinakahuli­ng tala, nasa higit 63.6 million na ang fully vaccinated sa bansa habang nasa 10.5 million naman ang may booster o dagdag na dose.

Pero ang bilang na ito, wala pa sa kalahati ng bilang ng mga indibidwal na kwalipikad­o nang tumanggap ng booster.

“Ang akala ng iba, hindi na kailangan bigyan ng booster dose. Kuntento na po sila sa dalawang doses. Pero ang sinasabi namin, ang booster dose ay added protection, dahil hindi po natin alam, baka magkaroon na naman po ng panibagong variant ang COVID-19, ito po ay added protection,” sabi ni Corrales.

Dagdag niya, hindi na isyu ang supply ng vaccines ngayon dahil dumating sa Pilipinas ang halos apat na milyong doses ng Pfizer vaccine para sa mga indibidwal na 12 years old pataas nitong Lunes ng umaga.

Ito ang pinakamala­king single-shipment ng bakuna kontra COVID-19 sa bansa.

Donasyon ito ng United States sa pamamagita­n ng COVAX facility. Sa kabuuan, nasa 231.5 million COVID vaccine doses na ang na-i-deliver sa Pilipinas mula noong nakaraang taon.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines