Daily Tribune (Philippines)

BANTA NG COMELEC SA MGA KANDIDATO, SERYOSOHIN

-

MAY banta ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidaton­g tumatakbo sa pagka pangulo at bise presidente na hindi dadalo sa debateng itinakda nito para sa eleksyon sa 9 Mayo 2022 at ito ay makatwiran.

Sa isang press conference ngayong Lunes, sinabi ni Comelec acting spokespers­on James Jimenez na hindi papayagang makalahok sa e-rally ang mga kumakandid­ato walang partisipas­yon sa debate.

Pormal nang pinirmahan ang memorandum of agreement para sa isasagawan­g “PiliPinas 2022 Debates 2022: The Turning Point.”

Idinagdag ni Jimenez na ito ang naging kasunduan ng poll body sa mga tumatakbo sa pagka presidente at bise presidente.

Nauna nang inilunsad ng Comelec noong 8 Pebrero 2022 ang isang Facebook page kung saan libre ang livestream ng mga kandidato na nagsasagaw­a ng mga campaign rally sa harap naman ng nararanasa­ng pandemya.

Binibigyan ng mula tatlong minuto hanggang 10 minuto online airtime ang mga kandidato mula sa pangka pangulo, bise president, senador, at party-list group sa Campaign S.A.F.E. Comelec e-Rally Channel sa Facebook.

Aabot ng 10 minuto ang airtime para sa mga kandidato sa pagka pangulo at bise presidente tatlong beses sa isang araw, samantalan­g tatlong minuto naman para sa mga tumatakbon­g senador at ito ay maaaring gawin limang beses isang araw.

Samantalan­g, aabot naman sa tatlong minuto ang ibibigay para sa mga party-list group at ito ay maaaring gawin limang beses sa isang araw.

Ang bawat partido naman ay may 10 minuto kada araw na maaaring gawin tatlong beses sa isang araw.

Sinabi ni Jimenez na wala pang kumpirmasy­on ang mga kandidato para sa nakatakdan­g debate.

Nakatakdan­g isagawa ang unang debate para sa mga tumatakbon­g president sa 19 Marso 2022, samantalan­g 3 Abril 2022 na isasagawa sa Sofitel Philippine Plaza Manila sa Pasay City.

Magsasagaw­a rin ng Town Hall Debates ang Comelec para sa presidente sa 23 Abril at 24 Abril naman para sa mga bise presidente.

Abangan na lang natin kung susunod ang lahat sa itinakda ng Comelec.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines