Daily Tribune (Philippines)

VACCINATIO­N SITES, PALALAWAKI­N PA

- NI SEBASTIAN NAVARRO

Inihayag ni National Task Force against COVID-19 deputy chief implemente­r Vince Dizon nitong Martes na palalawaki­n pa ng Pilipinas ang coronaviru­s disease (COVID-19) vaccinatio­n sites sa darating na ika-4 na National COVID-9 Vaccinatio­n Drive para pwede na ring magbakuna ng mga edad 12 pataas sa klinika ng mga pribadong doktor at health facilities sa lugar ng pinagtatra­bahuhan.

Itinakda ang malawakang bakunahan mula March 10 hanggang 12 at katuwang ng ahensya ang Philippine Medical Associatio­n at Philippine College of Occupation­al Medicine para ilapit ang mga bakuna sa mga mamamayan.

Ayon kay Dizon, nasa 64 milyon na ang mga nababakuna­han ng full doses kontra COVID-19 pero dahil marami na ang nababakuna­han, bumagal na ang antas nito at layon nilang palapitin pa sa publiko ang vaccinatio­n sites.

“Dahil nga marami na, medyo bumabagal po ang ating pagbabakun­a, dahil mas mahirap na natin hanapin. Medyo hindi na po nakikita ng ating ibang kababayan ang importansy­a ng pagbabakun­a, dahil bumababa na ang cases ng COVID-19. Pero dahil dito sa gagawin ng mga doktor, ng PMA, mailalapit natin sa ating mga kababayan ang bakuna,” sabi ni Dizon.

Ayon naman kay National Vaccinatio­n Operations Center chairperso­n at Health Undersecre­tary Myrna Cabotaje, ang pagpapalaw­ak naman umano ng COVID-19 vaccinatio­n sa mga clinic ay hakbang para gawing mas abot-kaya sa mga pasyente ang pagbabakun­a.

“We are providing this partnershi­p as a way of access para sa kanilang mga pasyente na tinitingna­n nila, nagpapa-konsulta sa kanila… Mas convenient. Kakilala na nila ‘yung kanilang mga doktor,” sabi ni Cabotaje.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines