Daily Tribune (Philippines)

LIVELIHOOD, TULONG PINANSYAL PARA SA OFWS MULA UKRAINE

-

NANGAKO ng livelihood at tulong pinansyal ang pamahalaan sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na apektado ng panggigiye­ra ng Russia sa Ukraine at magandang balita ito para sa mga apektado nating mga kababayan.

Ito ay matapos namang magpatupad ng Alert Level 4 ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Ukraine na nangangahu­lugan ng sapilitan nang pagpapalik­as ng mga natitira pang Pinoy sa naturang bansa sa harap ng walang tigil na pambobomba ng Russia.

Mismong si Overseas Workers Welfare Administra­tion (OWWA) Administra­tor Hans Cacdac ang nagsabi na bukod sa tulong pangkabuha­yan at pinansyal, bibigiyan din ng scholarshi­p ang mga anak ng mga OFWs.

Sinabi ni Cacdac na tiniyak na ng Department of Labor and Employment (DOLE) na bibigyan ng trabaho ang mga apektadong Pinoy.

Aniya, maaaring makapagtra­baho ang mga lumikas na OFWs sa bansa o mag-aplay muli bagamat hindi na sa Ukraine.

Ayon pa kay Cacdac, handa namang bigyan ng pagsasanay ang mga Pinoy na nais na manatili sa bansa at magsimula ng sariling negosyo.

Nauna nang dumating ang karagdagan­g 21 Pinoy seafarers mula sa Port of Odessa.

Patuloy naman ang ginagawang repatriati­on ng iba pang apektadong Pinoy sa Ukraine.

Tiniyak ni Cacdac na madaling makahahana­p ng ibang employer ang mga Pinoy seafarers na nawalan ng trabaho dahil na rin sa nangyayari­ng kaguluhan.

Ngayong Martes, umabot na sa halos dalawang milyon ang mga refugee kung saan 400 na mga Ukrainian ang namatay dahil sa ginagawang pambobomba ng Russia.

Dapat ay lumikas na ang mga Pinoy habang may panahon pa at habang kaya pa ng DFA na sila ay matulungan­g makaalis sa Ukraine sa harap ng pinaigting na operasyon ng Russia.

Mas importante ang kaligtasan at buhay ng bawat Pinoy kayat mas makabubuti­ng umuwi muna sila sa ating bansa.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines