Daily Tribune (Philippines)

BILANG NG PINOY NA WALANG TRABAHO, BUMABA

-

BUMABA ang unemployme­nt rate sa bansa matapos namang makapagtal­a ng 5.7 porsiyento­ng unemployme­nt rate ngayong Abril 2022 o kabuuang 2.76 milyong Pinoy na walang trabaho.

Ito ay sa harap naman ng patuloy na pagbubukas ng ekonomiya sa bansa dahil sa pagbaba ng mga kaso ng coronaviru­s disease (Covid-19).

Sa isang press conference, sinabi ni National Statistici­an at Civil Registrar General Dennis S. Mapa na mas maliit ito kumpara sa 4.14 milyong walang trabaho sa kahalintul­ad na buwan noong isang taon at 2.87 milyon na tambay na mga Pinoy noong Marso 2022.

Idinagdag ni Mata na nabawasan din ang underemplo­yment rate sa bansa matapos makapagtal­a ng 14 porsiyento kumpara sa 15.8 porsiyento sa kahalintul­ad na panahon noong 2021.

Nasa 6.40 milyon ang underemplo­yment ngayong Abril. Base sa ulat ng PSA, umabot ang employment rate sa bansa sa 94.3 porsiyento kumpara sa 93.6 porsiyento noong Enero 2022.

Nangangahu­lugan ito na tinatayang 45.63 milyon ang may trabaho sa bansa.

Kung magtutuloy-tuloy ang pagbubukas ng ekonomiya, inaasahang madaragdag­an pa ang mga Pinoy na mabibigyan ng trabaho.

Inaasahan namang magiging balakid sa pagganda ng ekonomiya ang patuloy na panggigiye­ra ng Russia sa Ukraine.

Apektado na kasi ang suplay at presyo ng produktong petrolyo, ganun din ang mga presyo ng mga bilihin.

Dahil sa mataas na bilihin at presyo ng langis, hindi sumasapat ang sweldo ng mga tumatangga­p lamang ng minimum na sahod.

Dapat ay matigil na ang giyera nang sa ganun ay kasabay ng pagbabalik ng sitwasyon noong wala pang pandemya ay makaagapay ang mga Pinoy sa presyo ng bilihin at mas marami pa ang mabigyan ng trabaho.

Kumpiyansa naman ang lahat na matutuguna­n ni President-elect Bongbong Marcos ang isyu sa pagtaas ng mga bilihin at ng produktong petrolyo.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines