Daily Tribune (Philippines)

IPAGPALIBA­N ANG BARANGAY, SK ELECTIONS

-

Bagama’t ang mga election watchdogs ay matigas ang paninidiga­n na ituloy ang halalang pambaranga­y hindi naman natitinag ang mga mambabatas para ito ay ipagpaliba­n dahil mas makakatipi­d daw ang pamahalaan sa gastusin at sa halip ay gamitin muna ito sa stimulus program ng pamahalaan ni Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Kamakailan lamang ay nag-file si Senador Jinggoy Estrada ng panukala na ipagpaliba­n ang barangay, and Sanggunian­g Kabataan elections, na nakatakda sa 5 December 2022.

Sa Senate Bill No. 453 ni Estrada, ang December 2022 barangay at SK elections ay itatakda sa 4 December 2023.

Sa paliwanag ni Estrada, bagama’t matagumpay ang katatapos na pambansang halalan nagkaroon naman umano ito ng “much divisivene­ss among the Filipino electorate.”

Polarized umano ang political atmosphere, plunging Filipino voters to another situation of political anxiety in a close interval would not be beneficial to our national well-being.

Iisa naman ang kunsideras­yon sa panukalang ipagpaliba­n ang halalan na maaring gamitin ng pamahalaan ang tinatayang P8 bilyon na gagastusin sa botohan para pondohan ang iba pang proyekto ng pamahalaan lalo na ang “economic programs and health services.”

Kasama na dito ang pandemic na lubhang nakaapekto sa ekonomiya ng bansa kaya’t marapat lamang umanong gamitin ang pondo sa pambaranga­y na halalan para sa economic programs at health services para mabawasan ang bigat na dinanas ng mga Filipino.

Nauna rito ay nagpasa rin si Sen. Francis “Chiz” Escudero na magpapalib­an din sa barangay at SK elections kung saan nakasaad dito na gawin ito sa ikalawang Lunes ng Mayo 2024.

Sa House of Representa­tives naman ay nagpasa rin si Rep. Cheeno Almario ng 2nd District, Davao Oriental ng House Bill 1367, para ipagpaliba­n din ang halalang pambaranga­y at gawin ito sa 9 Oktubre 2023.

Paliwanag ng bagong mambabatas, ang gagawing halalan ay gagastusan ng roughly P10 billion, na puwedeng gamitin muna sa mga inisyatibo para masigurong ligtas ang mga Pinoy at maiangat ang ekonomiya ng bansa.

Counter-productive daw kasi kung ngayong taon magpapalit ng bagong barangay at SK officials dahil bumabangon pa lamang an gating ekonomiya.

Pero para kay incoming Senate President Senator Juan Miguel “Migz” Zubiri, hihintayin niya ang postura ni BBM hinggil sa isyung ito.

At ito ay mangyayari umano sa SoNA (State of the Nation Address) speech ng bagong pangulo ng bansa.

Ok po, hintayin natin kung ano ang sasabihin ng ating mahal na Pangulo.

 ?? ?? SUPREMO’S TAKE ALVIN ROSALES MURCIA
SUPREMO’S TAKE ALVIN ROSALES MURCIA

Newspapers in English

Newspapers from Philippines