Daily Tribune (Philippines)

PAGLILINIS NG LISTAHAN NG 4PS, NARARAPAT

-

KAMAKAILAN ay inihayag ng Palasyo na iniulat ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na aabot sa 1.3 milyon ng kabuuang 4.4 milyong benepisyar­yo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang tatanggali­n sa listahan.

Kahapon, tahasang sinabi ni Tulfo na hindi na pasok sa programa ang ibang benepisyar­yo ng 4Ps kayat kailangan na silang tanggalin.

Ayon kay Tulfo, base sa ginagawang pagrerepas­o ng mga miyembro ng DSWD, may mga benepisyar­yo ng 4Ps na nagmamay-ari na ng magagandan­g appliance kagaya ng 72-inch flat-screen TV, double door refrigerat­or at aircon.

Idinagdag ni Tulfo na nangangahu­lugan lang ito na gumanda na ang buhay ng mga miyembro ng 4Ps.

Tiniyak naman ni Tulfo na aabisuhan ang mga tatanggali­n sa loob ng ilang linggo.

Ayon pa kay Tulfo, dadaan pa rin sa proseso ang gagawing paglilinis.

Inaasahang aabot sa P15 bilyon ang matitipid ng pamahalaan sa gagawing paglilinis.

Sinabi pa ni Tulfo na papalitan naman ito ng bagong mga kwalipikad­ong benepisyar­yo.

Samantala, sinabi ni Tulfo na iniimbesti­gahan na ang ulat na nabigo ang DSWD na maipamahag­i ang P2 bilyong ayuda.

Sinabi ni Tulfo na aabot sa P1.7 bilyon ang ibinalik ng DSWD sa Bureau of Treasury.

Ayon kay Tulfo, maraming benepisyar­yo ang nagrerekla­mo matapos hindi makatangga­p ng ayuda.

Nauna nang pinuna ng Commission on Audit (COA) ang DSWD matapos ang kabiguan na maipamahag­i ang Social Ameliorati­on Program (SAP) sa panahon ni dating Secretary Rolando Joselito Bautista.

Dapat ay malinis na ang listahan ng 4Ps para matiyak na ang mga karapat-dapat lamang ang mabigyan ng tulong pinansyal.

Maganda ang hangarin ni Tulfo kayat dapat ay suportahan ng lahat.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines