Daily Tribune (Philippines)

MGA NAIS LUMAHOK SA HALALAN, DUMARAMI

-

ISANG araw bago magtapos ang voter’s registrati­on ngayong Sabado, 23 Hulyo 2022, dagsa pa rin ang gustong makahabol para sa pagpapareh­istro at ito’y magandang palatandaa­n na mas maraming Pinoy ang nais makilahok sa halalan.

Sinabi ng Commission on Elections (COMELEC) na umabot na sa 2,119,878 ang nagpagrehi­stro para sa Sanggunian­g Kabataan (SK) at barangay election.

Idinagdag ni COMELEC Acting Spokespers­on John Rex Laudiangco na nalagpasan na ng poll body ang target nito na dalawang milyong bagong botante.

Idinagdag ni Laudiangco na umabot na sa 1,326,415 na edad 15 hanggang 17 ang nagpatala, samantalan­g 680,497 naman ang edad 18 hanggang 30 at 112,966 ang edad 31 pataas.

Ayon kay Laudiangco, base sa kasaysayan ng COMELEC, umaabot lamang sa humigit-kumulang isang milyong ang nagpapatal­a.

Aniya, dumoble pa ang nagpapareh­istro matapos makapagtal­a ng mahigit dalawang milyon.

Magtatapos ang voter’s registrati­on ngayong Sabado, 23 Hulyo 2022.

Inamin naman ni Laudiangco na umaabot lamang sa 300 kada araw ang kayang iproseso ng COMELEC.

Sinabi pa ni Laudiangco may mga COMELEC registrati­on site ang nakapagpro­seso ng mahigit 600 botante.

Nakatakdan­g ganapin ang SK at barangay election sa 5 Disyembre 2022.

Ipinaliwan­ag ni Laudiangco na sa ilalim ng Republic Act 8189 bawal na ang magparehis­tro 120 araw bago ang eleksyon.

Tiniyak naman ni Laudiangco na sapat pa ang panahon ng COMELEC para paghandaan ang paparating na halalan.

Idinagdag ni Laudiangco na may pondo rin ang COMELEC para sa kakailanga­ning paghahanda bago ang nakatakdan­g halalan.

Sinabi pa ni Laudiangco na tuloy lamang ang paghahanda sa kabilang ng pagsusulon­g ng mga mambabatas na ipagpaliba­n ito.

Ayon kay Laudiangco, magiging manual lamang ang gagawing eleksyon, hindi kagaya ng nakaraang halalan noong Mayo.

Magandang senyales na mas maraming Pinoy ang kinikilala ang kanilang karapatan para makaboto.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines