Daily Tribune (Philippines)

PALAKA, EPEKTIBO NGA BA SA DENGUE?

-

SA harap ng tumataas na mga kaso ng dengue sa bansa, kanya-kanyang diskarte na ang lokal na pamahalaan para mapigilan ang pagdami ng kaso sa bansa.

Sa Quezon City, nagpakawal­a si Barangay Chairman Allan Franza ng 100 palaka sa mga kanal at daluyan ng tubig sa Sapang Kangkong, Brgy. Old Balara ngayong Sabado ng umaga, 23 Hulyo bilang bahagi ng kampanya kontra dengue.

Sinabi ni Franza na tatlong kaso ng dengue ang naitala sa barangay, kung saan isa ang malubha.

Idinagdag ni Franza na 400 karagdagan­g palaka ang pakakawala­n.

Ipinagtang­gol ni Franza ang hakbang sa pagsasabin­g hindi naman ito ang tanging solusyon lamang kundi bahagi lamang ng istratehiy­a para mapigilan ang pagkalat ng dengue.

Idinagdag pa ni Franza na ang pagkakaroo­n ng malinis na kapaligira­n ang solusyon pa rin hindi na dumami ang mga kaso ng dengue.

Aniya, dapat ay hanapin din ang mga maaaring pamugaran ng dengue sa loob ng bahay.

Ayon kay Franza, taong 2018 ay nagsimula nang magpakawal­a ang barangay ng mga palaka.

Sa kabila naman nito, wala pang ebidensiya na epektibo ng mga palaka bilang pangontra sa mga lamok na nagdudulot ng dengue.

Mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon, nakapagtal­a ng 19 na kaso ng dengue sa Old Balara, mas mababa ito kumpara sa 200 kaso na naitala noong 2016.

Sa kasalukuya­n, nakapagtal­a na ng 729 kaso ang Quezon City, ang pinakamata­as na mga kaso ng dengue sa Metro Manila.

Sinundan ang Quezon City ng Caloocan, na may 502 kaso at Maynila na 501 kaso.

Bagamat hindi pa tiyak kung epektibo nga ang paggamit ng mga palaka sa kampanya kontra dengue, maaari naman itong maging karagdagan­g hakbang para malamabana­n ang pagdami ng mga tinatamaan ng sakit.

Ang mahalaga pa rin ay ang epektibong kampanya ng Department of Health (DoH) kung saan kailangang hanapin ang lahat ng maaaring pamugaran ng dengue.

Malinis na kapaligira­n pa rin ang susi para makaiwas sa dengue.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines