Daily Tribune (Philippines)

‘DOUBLE WHAMMY’

-

Hanggang ngayon ay nagpapatul­oy pa rin ang bansa sa paglaban sa coronaviru­s disease (COVID-19) pandemic lalo na nang magsulputa­n na ang iba’t ibang mga variants na pinaniniwa­laang mas nakakahawa o mas delikado kapag tumama sa isang tao.

At sa kabila nang patuloy na babala at mga protocols na ipinatutup­ad ng pamahalaan gaya nang pagsusuot ng mask, social distancing at palagiang paghuhugas ng kamay, hindi pa rin naiiwasan na dumami ang nahahawaha­n ng nakamamata­y na sakit.

Nitong mga nakaraang linggo nga ay naiulat ng Department of Health (DoH) na tumataas na naman ang naitatalan­g kaso ng COVID-19 lalo na sa Metro Manila, kung kaya kaliwa’t kanang babala ang inilalabas ng ahensya upang maiwasan ang panibagong surge.

Pero sa ngayon, hindi lamang ang banta ng COVID-19 ang kailangang pag-ingatan ng mga mamamayan, dahil nagsisimul­a na ring tumaas ang naitatalan­g kaso ng dengue sa bansa nitong mga nakaraang araw.

At ang nakakatako­t ngayon, sinabi ng ilang health experts na posibleng sabay tumama ang COVID-19 at ang dengue sa isang indibiduwa­l at kung sakaling tamaan ka nga, matatawag rin itong “double whammy.”

Ilang mga ulat gaya sa Tanza, Cavite ang lumabas na 10 kaso na ang naitalang positibo sa COVID-19 at dengue na kinailanga­ng i-isolate noong unang bahagi ng taon.

Mahigpit ang utos sa bayan na isailalim sa parehong test sa COVID-19 at dengue ang mga may sintomas ng influenza tulad ng lagnat, ubo, at sipon.

“Once na si patient ay admissible, kailangan ma-clear muna kung dengue ba siya with COVID or just dengue fever para alam din ‘yong pagdating sa ospital ano ‘yong magiging protocol nila, kung diretso iyan sa dengue ward, clean ward or COVID ward,” sabi ni Dr. Ruth Punzalan, Tanza municipal health officer.

Ayon naman sa opisyal ng DoH, maaaring pumatong ang COVID-19 sa kahit anong sakit.

“Posible po tayong malasin nang ganon na magkaroon na tayo ng dengue at magkaroon pa tayo ng COVID. So, this will be a real problem... the treatment will be for both,” sabi ni Dr. Voltaire Guadalupe, head ng DoH Calabarzon regional disaster risk reducation and management for health.

Mula Enero 1 hanggang Hulyo 2, 65,190 kaso ng dengue ang naiulat sa bansa, mas mataas nang 83 porsiyento sa bilang ng mga kaso noong parehong panahon ng nakaraang taon, ayon sa DoH.

Kung may ganitong klase ng posibilida­d, kailangan talaga ng dobleng ingat ngayon ng mga mamamayan, dahil hindi biro na magkaroon ng COVID-19 at dengue nang sabay.

Kaya paalala sa lahat, sundin ang mga umiiral na health protocols laban sa COVID-19 at maglinis rin ng kapaligira­n.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines