Daily Tribune (Philippines)

ABRA, NIYANIG NG LINDOL!

-

Nasa 60 naman ang naiulat na nasaktan sa pinakamala­kas na lindol na tumama sa bansa ngayong taon na naramdaman rin sa ilang lugar sa National Capital Region at mga kalapit na probinsya.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanolog­y and Seismology (Phivolcs), ang lindol, na unang napaulat na nasa Intensity 7.3, ay naganap 8:43 a.m. at ang episentro nito ay natagpuan 17.64°N, 120.63°E - 003 km N 45° W ng bayan ng Tayum. May lalim itong 17 kilometro.

Tectonic in origin ang naturang lindol at ang Intensity 7 ay naramdaman sa Bucloc at Manabo, Abra habang Intensity 6 naman ang naranasan sa Vigan City, Sinait, Bantay, San Esteban, Ilocos Sur; Laoac, Pangasinan at Baguio City.

Intensity 5 naman ang naramdaman sa Magsingal at San Juan, Ilocos Sur, Alaminos City at Labrador, Pangasinan; Bambang, Nueva Vizcaya; Mexico, Pampanga; Concepcion, at Tarlac City, Tarlac; City of Manila at City of Malabon.

Naramdaman naman ang Intensity 4 sa City of Marikina; Quezon City; City of Pasig; City of Valenzuela; City of Tabuk, Kalinga; Bautista at Malasiqui, Pangasinan; Bayombong at Diadi, Nueva Vizcaya; Guiguinto, Obando, at San Rafael, Bulacan at San Mateo, Rizal.

Ayon kay Phivolcs chief Renato Solidum, maaaring nakaramdam ang iba pang lugar ng Intensity VIII na pagyanig.

“[Intensity] VII pa lang ang confirmed... tinitingna­n natin, most likely, ay puwede magkaroon diyan ng Intensity VIII,” saad ni Solidum at dagdag niya, maaari nang bumalik sa kani-kanilang mga tahanan o trabaho ang mga tao sa mga lugar na nakaramdam ng Intensity 5.

Samantala, sinabi ni Mayor Joseph Bernos ng La Paz, Abra na nakatangga­p siya ng mga ulat ng mga sirang building sa kanilang probinsiya, kabilang na ang mga simbahan.

“Sobra mga damage sa Abra,” sabi ni Bernos. Ayon naman kay Senadora Imee Marcos, ilang heritage sites at mga pangunahin­g kalsada sa Ilocos Norte at Ilocos Sur ang nasira rin dahil sa malakas na lindol.

Nakahanda naman ang P200 milyong halaga ng quick response fund para sa mga lokal na pamahalaan na pinakaapek­tado ng Intensity 7 na lindol.

Sa NCR naman, pansamanta­la ring tumigil ang mga operasyon ng Metro Rail Transit-Line 3 at Light Rail Transit Line 1 at 2 matapos maramdaman ang lindol at ayon sa Philippine National Railways, pansamanta­lang isususpind­e nito ang mga biyahe para sa Metro North at Metro South Commuter Service habang hinihintay ang kumpirmasy­on mula sa Engineerin­g Department­s na nagse-certify na ligtas nang dumaan sa mga riles.

Sa Baguio City, sinuspinde ni Mayor Benjamin Magalong ang trabaho at mga klase sa pampubliko at bribadong sektor kasunod ng lindol.

Gayunman, sinabi ng Public Informatio­n Office ng Baguio City na wala pang naiuulat na pinasala o pagkamatay sa kanilang lugar.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines