Daily Tribune (Philippines)

MANDATORY ROTC, TAMA BA?

- SUPREMO’S TAKE ALVIN ROSALES MURCIA

Maraming reactions ang tinanggap sa deklarasyo­n ni President Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang unang State of the Nation Address (SoNA) na gawing mandatory ang Reserved Officers’ Training Corps (ROTC) program para sa Grade 11 and 12 students.

Mixed reactions and views ika nga mga Katribu sa anunsiyo ng pangulo ng bansa mula sa mga mag-aaral, magulang at iba pang mga organizati­on dahil dito.

Foremost ay takot umano ang mga Grade 10 students sa gagawin dahil magiging additional burden hindi lamang para sa kanila kundi sa mga magulang nila.

Ang tanong naman, bakit ito magiging additional burden? Dahil ba sa madaragdag­an ang gastos nila at kakain ng panahon dahil kalimitan ay weekend ito ginagawa?

Wala naman daw giyera kaya bakit kailangan ng reserve force ang bansa at kung sagot daw ba ng pamahalaan ang gastusin para dito?

Halos negatibo ang reactions na natatangga­p mula sa pahayag ng pangulo patungkol sa mandatory ROTC, pero naisip ba nila na kailangan ito bilang isang Filipino dahil tungkulin natin na ipagtanggo­l ang ating bansa laban sa mananakop hindi lamang sa porma ng giyera kundi sa “psychologi­cal warfare” na ginagawa sa atin ng mga interest groups na nakapalibo­t sa bansa?

Ayaw ba nating magsilbi sa ating bansa at mas gugustuhin nating umangal for something convenient lamang para sa atin? Ganito po ang paningin ng inyong lingkod dito mga Katribu dahil noong nawala ang ROTC at pati na ang Citizen Army Training course para sa high school parang nawalan ng disiplina ang mga kabataan.

Umiral kasi ang sobrang protection sa kanila at pati ang simpleng paggalang sa mga matatanda, sa guro at iba pa ay wala na dahil they are invoking a law na bawal silang disiplinah­in kahit mali na ang kanilang ginagawa.

Okay lamang ba sa atin na ang mga kabataan dahil sa protection na natatangga­p nila sa isang batas na ipinasa ng isang senador ay nagagamit tuloy sila bilang courier ng iligal na droga at iba pang krimen dahil hindi mo sila puwedeng parusahan?

Hindi na tayo magbabangg­it ng estadistik­a pero alam naman nating lahat iyan at huwag nating ipikit ang ating mga mata na ang mga pasaway na nakikipagh­abulan sa mga pulis at bantay bayan kahit curfew na noong lockdown dahil sa pandemya ay mga kabataan?

Why not give the Marcos administra­tion the chance to prove that their intention is for the betterment of our society and the country as a whole?

Takot sila sa hazing dahil baka daw mapahamak ang kanilang mga anak pero hindi sila nagre-react kapag ang anak nila ay nainvolve at ginamit ng sindikato sa iligal na gawain.

Kung ang intention ng pamahalaan ay pure at para sa kapakanan ng lahat bakit hindi natin suportahan, siguro naman ay merong safety nets na gagawin para diyan at ang primordial considerat­ion diyan ay meron tayong kahandaan to repel any aggression from within at hindi na ito bago dahil maging ang ating mga kapitbahay sa buong Asya ay inihahanda ang kanilang mga kabataan para maging matatag ang kanilang bansa.

This is my take.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines