Daily Tribune (Philippines)

PAG-AKSYON SA LINDOL, NAGING MABILIS

-

MABILIS ang naging pag-aksyon ng pamahalaan sa nangyaring magnitude 7.0 na lindol sa bansa at dapat ay laging ganito ang pagkilos ng mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan.

Agad na nagpatawag ng press conference si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Palasyo kasama sina Philippine Institute of Volcanolog­y (Phivolcs) Director Renato Solidum, Interior Secretary Benhur Abalos at Defense of National Defense (DND) officer-in-charge Jose Faustino Jr.

Sinabi ni Marcos na hindi muna siya pupunta sa Abra para hindi makasagaba­l sa ginagawang operasyon ng mga lokal na pamahalaan.

Idinagdag ni Marcos na bilang dating gubernador, alam niya na tutok ang mga lokal na pamahalaan sa mga ginagawang aksyon at magiging sagabal lamang siya kung sasabayan ng kanyang pagbisita.

Tiniyak naman niya na bibisita siya sakaling posible na ngayong Huwebes, 28 Hulyo.

Kasabay nito, sinabi ni Marcos na hindi siya magdedekla­ra ng state of calamity sa kabila nang nangyaring malakas na lindol.

Ipinaliwan­ag ni Marcos na dapat ay tatlong rehiyon ang apektado ng isang kalamidad bago makapagsek­lara ng state of calamity.

Aniya, sa kasalukuya­n, Region 1 at Cordillera Administra­tive Region (CAR) lamang ang napinsalan­g mga rehiyon.

Tiniyak naman niya na posibleng magbago pa ang desisyon niya sakaling may mga madagdag na impormasyo­n na kinakailan­gan ng pagdedekla­ra ng state of calamity.

Pinaboran naman ni Marcos ang pagpasa ng panukalang batas na nagtatayo kg Department of Disaster Resilience.

Idinagdag ni Marcos na posibleng mapadalas ang mga sakuna sa bansa kaya kailangang palakasin ng pamahalaan ang kapabilida­d laban sa mga kalamidad.

Sa press conference, iniulat ni Abalos na apat na ang naiulat na nasawi, samantalan­g 60 na iba pa ang nasugatan matapos ang magnitude 7.0 na lindol.

Sinabi ni Abalos na batay sa ulat na kanyang tinanggap, 29 kalsada, tatlong tulay; 173 gusali ang pawang napinsala sa nangyaring malakas na lindol.

Idinagdag ni Abalos na nakapagtal­a rin ng 31 landslide sa iba’t ibang lugar sa Luzon.

Ayon pa kay Abalos, 15 lalawigan, 15 lungsod, 280 munisipali­dad at 6,756 barangay sa Region I, II at Cordillera Administra­tive Region (CAR) ang apektado ng lindol.

Sa briefing, iniulat ni Solidum na ang Vigan ang pinaka napinsala ng magnitude 7.0 na lindol.

Nagbabala rin si Solidum na magpapatul­oy ang mga landslide sa harap ng mga pag-ulan.

Aniya, dapat ding masuri ang mga bahay at gusali na naapektuha­n ng lindol.

Sinabi pa ni Solidum na wala namang inaasahang tsunami sa kabila ng napaulat na malalakas na pag-alon.

Naway hindi naman malala ang naging pinsala ng lindol at dapat ay mabigyan ng tulong ang mga Pinoy na apektado ng kalamidad.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines