Daily Tribune (Philippines)

PANGULONG MAY PAGKALINGA SA ORAS NG SAKUNA

-

NITONG Huwebes, personal na pinuntahan ni Pangulong “Bongbong” Marcos Jr. ang Abra para direktang pangasiwaa­n ang ginagawang pagtulong sa mga naapektuha­n ng magnitude 7.0 na lindol. Nagsagawa si Marcos ng aerial inspection para malaman ang laki ng pinsalang idinulot ng lindol sa lalawigan. Pinangunah­an din ni Marcos ang pagpupulon­g ng mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan at mga lokal na pamahalaan kung saan nag-ulat ang mga opisyal sa lawak ng pinsala ng pagyanig.

Nag-ulat ang iba’t ibang departamen­to hinggil sa mga ginagawang hakbang para mabuksan ang mga kalsada at maibalik ang suplay nv kuryente.

Ipinaalam din kay Marcos ang mga kagyat na pangangail­angan ng mga biktima ng lindol.

Pagkatapos ng pakikipagp­ulong, pinangunah­an ni Marcos ang pamamahagi ng mga relief good sa mga residente ng Abra na inilikas matapos namang mapinsala ang kanilang mga bahay.

Sa kanyang pakikipag-usap sa mga residente, tiniyak ni Marcos na ibibigay ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo ang lahat ng pangangail­angan ng mga tao habang nasa evacuation center sila katulad ng pagkain.

Nagtayo ng mga modular tent sa Bangued Plaza sa Abra kung saan nanunuluya­n pansamanta­la ang mga biktima ng lindol.

Sinabi pa ni Marcos na hindi na dapat dagdagan ang paghihirap ng mga biktima ng lindol.

Nagpasalam­at din si Marcos sa kanyang mga taga suporta na bumoto sa kanya noong nakaraang eleksyon.

Aniya, siya naman ngayon ang tutulong at magbibigay ng suporta sa mga residente.

Binisita rin ni Marcos ang mga pasyenteng dinala sa Abra Provincial Hospital para personal na malaman ang kanilang kondisyon matapos ang malakas na lindol.

Matatandaa­ng nangyari ang lindol ganap na alas-8:43 ng umaga noong Miyerkules sa Tayum, Abra.

Nakapagtal­a na ng 798 aftershock na may lakas mula magnitude 1.5 hanggang 5.4, National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), na inaasahang tatagal pa.

Dapat tularan ang bilis ng pag-akyon ng mga ahensiya ng pamahalaan para matugunan ang pangangail­angan ng mga biktima ng lindol.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines