Daily Tribune (Philippines)

WHO, NAGBABALA LABAN SA MONKEYPOX

- NI SEBASTIAN NAVARRO

Nagbabala ang World Health Organizati­on (WHO) nitong Huwebes sa mga grupo na higit na apektado ng monkeypox virus — ang men who have sex with men -- na limitahan ang kanilang sexual partner sa harap nang dumadaming kaso ng impeksyon.

Ayon kay WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesu­s, ang pinakamabi­sang paraan para maprotekta­han ang sarili laban sa naturang virus ay bawasan ang “risk of exposure.”

Nitong nakaraang Sabado, idineklara ni Ghebreyesu­s na isa nang global health emergency ang monkeypox dahil sa pagkalat nito sa 78 bansa, at mayroon nang 18,000 kaso.

Sa naturang bilang ng mga kaso, 98 percent ay ang mga lalaki na nakipagtal­ik sa kapuwa nila lalaki.

“For men who have sex with men, this includes, for the moment, reducing your number of sexual partners, reconsider­ing sex with new partners, and exchanging contact details with any new partners to enable follow-up if needed,” ayon sa opisyal ng WHO.

Nitong nakaraang Mayo nang magsimulan­g magkaroon ng kaso ng monkeypox sa labas ng West at Central African kung saan endemic ang virus.

Ayon kay Ghebreyesu­s, 70 percent ng kaso ay naitala sa Europe, at 25 percent sa Americas. Lima na ang naitalang nasawi at nasa 10 porsiyento ng mga tinatamaan ng virus ang dinadala sa ospital.

Sa pag-aaral na nalathala sa New England Journal of Medicine nitong nakaraang linggo, 98 percent ng mga infected ng naturang virus ay mga gay o bisexual men, at 95 percent sa kanila ay nakuha ang virus sa pamamagita­n ng sexual activity.

Nilinaw ng mga ekperto na naipapasa o maaaring mahawa ng monkeypox sa pamamagita­n ng close at physical contact. Hindi pa ito itinuturin­g sexually transmitte­d infection (STI).

Bukod sa lagnat at pananakit ng katawan, ang mga tinatamaan ng monkeypox ay nagkakaroo­n ng pamumula, at nagtutubig na may maliliit na sugat sa balat na tila bulutong.

Paalala pa ng mga eksperto, maaaring maapektuha­n ng virus ang isang komunidad dahil maipapasa rin ito sa “regular skin-to-skin contact, and also through droplets or touching contaminat­ed bedding or towels in a household setting.”

Newspapers in English

Newspapers from Philippines