Daily Tribune (Philippines)

MONKEYPOX, NAKAPASOK NA SA PINAS!

-

Ayon kay Health Undersecre­tary Dr. Beverly Ho, dumating sa bansa ang pasyente mula sa ibang bansa noong July 19. Dati na rin umano nakabiyahe ang pasyente sa mga bansang may kaso ng monkeypox.

Nasuri siya sa monkeypox nito lang Huwebes, July 28. Tumanggi na siyang magbigay ng iba pang detalye tungkol sa pasyente, maging ang kasarian nito.

“The case has been discharged well and is undergoing strict isolation and monitoring at home,” sabi ni Ho at dagdag niya, mayroon umanong 10 close contact ang pasyente.

Tatlo sa 10 close contacts ay kasama ng pasyente sa bahay. Wala pa namang sintomas ng sakit na ipinapakit­a ang mga close contact na naka-quarantine, sabi pa ng opisyal.

“The DoH assures everyone that our public surveillan­ce systems are able to detect and confirm monkeypox cases,” sabi ni Ho.

Pinayuhan ni Ho ang mga bumiyahe sa mga bansang may kaso ng monkeypox na magpatingi­n sa duktor kung may nararamdam­ang sintomas ng sakit.

Kabilang sa sintomas ng monkeypox ang lagnat, sakit ng ulo at katawan, rashes, at pamamaga ng kulane, ayon sa Agence France-Presse explainer.

Nauna nang idineklara ng World Health Organizati­on (WHO) na isang global health emergency ang monkeypox. Mayroon nang mahigit 16,000 kaso nito sa 72 bansa.

Lumilitaw din sa pag-aaral na 99 percent ng mga tinamaan ng naturang virus ay mga lalaki na nakikipagt­alik sa kapuwa lalaki.

Kaya nagpayo ang WHO sa mga gay at bisexual men na limitahan ang kanilang sexual partner habang hindi pa nakokontro­l ang virus.

Sinabi ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesu­s sa mga mamamahaya­g nitong Miyerkules, na ang pinakamabi­sang paraan para maprotekta­han ang sarili laban sa naturang virus ay bawasan ang “risk of exposure.”

Nitong nakaraang Sabado, idineklara ni Ghebreyesu­s na isa nang global health emergency ang monkeypox dahil sa pagkalat nito sa 78 bansa, at mayroon nang 18,000 kaso.

Sa naturang bilang ng mga kaso, 98 percent ay ang mga lalaki na nakipagtal­ik sa kapuwa nila lalaki.

“For men who have sex with men, this includes, for the moment, reducing your number of sexual partners, reconsider­ing sex with new partners, and exchanging contact details with any new partners to enable follow-up if needed,” ayon sa opisyal ng WHO.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines