Daily Tribune (Philippines)

NAGTATAASA­N NA

-

Ang kontrobers­ya kaugnay sa umano’y shortage ng asukal sa bansa ay talagang nakakaapek­to na sa mga mamamayan, lalo na sa mga manufactur­ers na gumagamit ng asukal bilang isa sa mga pangunahin­g sangkap ng kanilang mga produkto.

At ngayon nga, bukod sa mga kakanin, tinapay, kendi at biskwit, ramdam na rin ng mga gumagawa ng gamot ang pagmahal ng asukal sa bansa.

Ayon kay Philippine Pharmaceut­ical Manufactur­ers Associatio­n President Higinio Porte Jr., apektado ang produksiyo­n nila ng ilang syrup at suspension na 20 hanggang 30 porsiyento ng formulatio­n ay gawa sa asukal.

Hinaing pa niya, hindi naman umano puwedeng magtaas ng presyo ang mga manufactur­er ng gamot kaya nanawagan ang grupo sa gobyerno na palakasin ang lokal na produksiyo­n ng asukal, na siyang pinagkukuh­anan nila ng raw materials, dahil mahal din ang imported na alternatib­o nito.

“Ang ginagamit namin ay special sugar, ‘yong refined sugar... ngayon umaabot na sa P100 per kilo kaya ina-absorb ito ng mga manufactur­er,” sabi ni Porte.

Kung matatandaa­n, nitong Agosto ay pumalo na sa P100 ang presyo ng kada kilo ng refined sugar sa ilang pamilihan dahil umano sa kakulangan ng supply.

Dahil dito, suportado ni United Sugar Producers Federation President Manuel Lamata ang panawagang inspeksyun­in at imbentaryu­hin ang mga bodega ng asukal sa bansa.

Ayon kasi sa Philippine Chamber of Agricultur­e and Food Inc., mayroon pa ring 171,000 metric tons ng asukal sa bansa.

Iginiit ni Lamata na patuloy rin ang anihan ngayon ng 5 malalaking sugar mills, na inaasahang magbabagsa­k ng supply sa merkado sa kalagitnaa­n ng Setyembre.

Samantala, nakipagpul­ong naman kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Senate President Juan Miguel Zubiri kasama ang mga stakeholde­r ng sugar industry sa Malacañang noong gabi ng Miyerkoles.

Kabilang umano sa nakasama sa pulong ang mga magsasaka, miller, refiner at sugar worker. Idinulog nila ang situwasyon ng industriya kay Marcos, na siya ring nagsisilbi­ng Agricultur­e secretary.

Kailangan na naman nating maghigpit ng sinturon, dahil talagang parang wala nang habas ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Sana lamang ay malampasan natin ito.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines