Daily Tribune (Philippines)

MAGANDANG OPORTUNIDA­D

- Elmer N. Manuel Editor

Nagbukas kamakailan ang isang napakagand­ang oportunida­d para sa mga manggagawa­ng Pinoy na nagnanais magtrabaho sa ibang bansa matapos maikasa ang libo-libong job orders sa Singapore para sa Pinoy workers.

Ang mga ito ay aprubado na ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) at ayon pa sa Department of Migrant Workers o DMW, magdudulot ito ng mas magandang pagkakatao­n sa trabaho para sa mga Pilipino.

“Even prior to the President’s visit, our labor office in Singapore had already approved close to 10,000 job orders with 5,000 jobs awaiting aircraft technician­s in the aviation industry,” pahayag ni DMW Secretary Susan Ople.

Ayon pa sa DMW, sa mga susunod na buwan ay inaasahang mapupunan na ang mga aprubadong job order dahil na rin sa dagliang pangangail­angan ng Singaporea­n employers.

Ang ilan sa mga trabahong nakalaan ay mula sa aviation industry kung saan nangangail­angan ng nasa 5,000 aircraft technician­s, medical industry na kailangan ng 3,000 healthcare workers, engineerin­g industry na kailangan ng 1,000 skilled workers, Education industry na kailangan ng 500 workers at sa I.T. sector na kailangan ng 300 workers.

Inaasahan ni Ople na mas lalaki pa ang demand para sa mga Overseas Filipino Worker o OFWs sa Singapore bunsod na rin ng tagumpay na kauna-unahang state visit ng Pangulo sa nasabing bansa.

“Compared to other countries that also deploy migrant workers, our processing time takes months instead of weeks but with digitaliza­tion and given the remarkable talent and dedication of our workers, we expect a surge in demand for OFWs not only in Singapore but also in other parts of the world,” saad ni Ople.

Isang napakagand­ang balita nito, lalo na ngayong naibalitan­g mataas ang unemployme­nt at underemplo­yment sa bansa, kaya naman dapat ay masunggaba­n na ng mga kuwalipika­dong manggagawa­ng Pinoy ang oportunida­d na ito.

Malaking tulong ito para sa mga OFW at para sa gobyerno.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines