Daily Tribune (Philippines)

PAGGUNITA SA MARTIAL LAW, IDINAAN SA MISA

- NI SEBASTIAN NAVARRO

Isang misa ang ginanap sa Ateneo de Manila University nitong nakaraan lamang upang gunitain ang Martial Law sa ilalim ni dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. ilang araw bago ang mismong ika-50 anibersary­o ng deklarasyo­n ng batas militar.

Sa kaniyang homily, hinikayat ni Fr. Noel Vasquez SJ ang mga estudyante na isabuhay ang pananampal­ataya at hustisya at ito ay sa pamamagita­n aniya ng pagkiling ng saloobin o diwa sa mga mahihirap o preferenti­al option for the poor, pagsali sa mga organisasy­on na tumutulong sa mga mahihirap, at pag-alam kung bakit marami ang naghihirap.

Ayon pa sa pari, hindi umano mahalaga sa Panginoon kung saan nagtapos o ano ang tinapos ng isang tao kundi kung ano ang nagawa nila para sa ibang taong nangangail­angan.

Nagpaalala si Vasquez na totoong nangyari ang martial law at hinikayat ang mga Atenista na gamitin ang kanilang mga talento at ang social media para ipakalat ang katotohana­n.

“There is revisionis­m of history. Para ba gang hindi nangyari ang martial law. There’s a lot of falsehoods being spread around. Nangyari ang martial law. Marami ang namatay,” ani Vasquez.

Ipinagdiri­wang tuwing Setyembre 21 ang anibersary­o ng Martial Law declaratio­n dahil iyon ang petsa noong 1972 nang pirmahan ni Marcos Sr. ang Proclamati­on No. 1081.

Maraming human rights violation at korapsyon ang naiulat noong naturang panahon, na tumagal hanggang Enero 1981. Hanggang sa kasalukuya­n, marami pa rin ang humihingi ng hustisya para sa mga na-torture, nawala, nakulong, at napaslang noong Martial Law.

Kasalukuya­ng nakaupong pangulo ng Pilipinas si Ferdinand Marcos Jr., anak ng dating diktador.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines