Daily Tribune (Philippines)

KIM CHIU, MAY PAGKA-INSECURE

- Ni Cheriel Lazo

“Napa-praning” at lumalabas ang insecuriti­es ng aktres at TV host na si Kim Chiu kapag hindi siya nagkakaroo­n ng komunikasy­on sa kanyang boyfriend na si Xian Lim at ayon sa dalaga, “always” na nami-miss nila sa isa’t isa.

May reunion movie kasi ang celebrity couple na “Always” mula sa Viva Films na Pinoy adaptation ng Korean hit film na ipinalabas noong 2011. “Always nami-miss kapag hindi siya tatawag sa akin. Kapag hindi siya tumatawag or nagte-text, kinakabaha­n na talaga ako. Kasi, always kaming nagtatawag­an or nagpe-Facetime or nag-a-update kung nasaan siya. Kapag hindi na siya nagte-text, du’n na. Kasi, wala na yung always call, e. Kapag hindi siya nagme-message, kabahan talaga ako,” sabi ni Kim.

“Halos the same din, pero for me, specifical­ly kapag hindi nakapag-good morning si Kim. Very important sa akin na marinig ang boses niya pagkagisin­g namin. Kasi, I already know, alam ko na ang schedule ni Kim na meron siyang trabaho in the morning. So, right after mamulat ang mga mata ko, parang kailangan kong marinig ang good morning niya. I just have to feel that ray of sunshine,” saad naman ni Xian.

“I just have to know na buhay pa siya!” Na sinagot ni Xian ng, “Ang sarap lang sa pakiramdam na yun ang parang pinaka-kape ko. Malakas pa sa kape,” hirit naman ni Kim.

Samantala, napanood nina Kim at Xian ang Korean version ng “Always” na pinagbidah­an nina So Ji Sub at Han Hyo Joo.

“Actually, ini-offer ‘to after Love Thy Woman (ipinalabas sa ABS-CBN noong 2020) na teleserye namin. And yun nga, mahabang talakayan, umabot ng years hanggang sa nakapag-shoot nga kami this year lang. Pinanood ko, parang naano ko… kasi hindi pa ako nakakagawa ng ganun. Sa MMK (Maalaala Mo Kaya) siguro, kaya yun, pero sandali lang. But this time, sa isang pelikula, parang kaya ko naman sigurong aralin. And never akong nabibigyan ng ganitong genre ng movie so far, palaging rom-com, comedy, horror. Hindi pa ako nabibigyan ng simpleng kuwento na heartfelt lang. So, yun, na-happy naman ako,” sabi ng dalaga.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines