Daily Tribune (Philippines)

MALALIM NA

-

Nitong nakaraan ay napaulat na may natagpuan umanong hukay sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) na mas malawak pa umano sa isang football field na talaga namang ikinabahal­a ng publiko.

Kasi naman, kung mayroong malaking hukay sa loob ng NBP, maaaring magkaroon ng agam-agam ang mga mamamayan na baka ginagamit na umano ito upang makapagpal­abas o makapagpap­asok ng mga kontraband­o sa loob ng pambansang piitan.

Kaya naman, nais ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na paimbestig­ahan ang nadiskubre­ng hukay sa New Bilibid Prison.

“Titingnan natin, paimbestig­ahan natin kung may nalabag na batas. Number 1 is environmen­tal law or graft and corrupt practices or whatever laws na puwedeng ma-violate sa ganyang klaseng activity,” saad ni Dela Rosa sa isang naunang panayam sa radyo.

Ayon pa sa senador, dapat malaman kung bakit ginawa ang paghuhukay.

“Tatanungin rin natin ‘yung purpose sa bakit nila ginawa ‘yan baka meron silang ibang purpose din na pupuwedeng ma-justify ‘yung kanilang ginawa,” sabi niya.

“But then again laws must be observed, must be followed,” dagdag ng senador.

Nadiskubre ang paghuhukay sa Bilibid sa gitna ng imbestigas­yon sa pagpatay sa brodkaster na si Percy Lapid. Ayon sa umano’y gunman ng mamamahaya­g, galing sa Bilibid ang nag-utos.

Si Dela Rosa ay kasalukuya­ng chairman ng Senate committee on public order and dangerous drugs. Naging hepe siya ng Bureau of Correction­s matapos magsilbing lider ng Philippine National Police sa ilalim ng Duterte administra­tion.

Samantala, iniimbesti­gahan na umano ng Bureau of Correction­s ang nadiskubre­ng paghuhukay.

Tinawag ni BuCor Officer in Charge Gregorio Catapang na misteryoso ang mga paghuhukay dahil palihim umano itong isinasagaw­a.

Kailangang magsagawa talaga ng malalimang imbestigas­yon sa nasabing hukay, dahil hindi matatahimi­k ang mga mamamayan kung ano at para saan nga ba ang ginagawang hukay na ito.

Sana ay linawin na ng Bureau of Correction­s kung ano ba talaga ang dahilan sa likod ng nasabing paghuhukay.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines