Daily Tribune (Philippines)

BIANCA UMALI, ‘THE ONE’ NA BA?

- NI JOY ASAGRA

Ang aktres na si Bianca Umali na pala talaga ang palaging ipinagdara­sal ni Ruru Madrid na sana’y maging babaeng makakasama niya for the rest of his life at ramdam ng aktor na natagpuan na niya ang “the one” sa katauhan ni Bianca at nakikita na raw niyang ang dalaga na ang makakasama niya habambuhay.

Nang matanong si Ruru kaugnay sa kasal, sinabi ng binata na walang specific na date or age kung kailan siya lalagay sa tahimik.

“Kasi for me ‘yung mga bagay na nangyayari, lalong-lalo na ‘yung mga big events sa buhay natin, hindi natin ‘yan agad-agad puwedeng iplano ahead of time. Kasi once na maramdaman mo ‘yan sa puso mo na it’s time, ‘yun na talaga ‘yon. Wala nang makakapigi­l pa doon,” sabi Ruru.

Natanong rin si Ruru kung si Bianca na ba ang kanyang “forever.”

“Sana siya na. Kasi siyempre napakarami pang puwedeng mangyari sa mga buhay namin. Pero ang dami mga pagsubok pa, for sure, na pagdadaana­n kami parehas. Pero alam ko naman, based sa mga napagdaana­n na namin sa mga nakalipas na panahon, nalampasan namin ‘yon. So for sure, malalampas­an din namin ulit ‘yon,” sabi ng binata.

“Sa amin kasi ‘yun ‘yung tinatawag na pinagpanat­a. Araw-araw at gabi-gabi, pinagpe-pray ko na sana siya na talaga ‘yung babae na nakatakda para sa akin. Totoo ‘yon, walang imposible sa Panginoong Diyos. Once na binigay na ‘yan sa ‘yo, sayong-sayo na ‘yan,” dagdag pa niya.

May mensahe rin ang binata para kay Bianca. “Ikaw ang nagbibigay ng inspirasyo­n sa akin sa araw-araw para gumising ako sa araw-araw. Ikaw ang nagsisilbi­ng gasolina ko kapag napapagod na ako sa trabaho, kapag nawawalan ako ng pag-asa. Ikaw ang nagpapaala­la sa akin ng worth ko at ikaw ang nagpapaala­la sa akin na maraming taong nagmamahal sa akin.Kaya lagi mong tatandaan, hindi ko man kayang suklian lahat ng mga kabutihan na ginagawa mo sa akin pero unti-unti ipaparamda­m ko sa ‘yo kung gaano ka kaimportan­te sa buhay ko,” sabi ng binata.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines