Daily Tribune (Philippines)

DEMI MOORE, SIZZLING PA RIN

- NI CHERIEL LAZO

Nitong nakaraan ay ipinagdiwa­ng ng American actress at movie icon na si Demi Moore ang kanyang 60th birthday nitong Linggo at talaga namang sizzling pa rin ang dating ni Demi dahil sa batang-bata pa rin niyang aura.

Kung titingnan ang kanyang social media, tila hindi siya tumatanda at hot na hot pa rin sa ilang litrato at video na naka-two piece sa beach.

Sa latest IG post ni Demi, mapapanood ang isang video na kasama niya ang kanyang pamilya at ilang mga kaibigan sa isang private jet. Game na game pa siyang sumasayaw habang kinakantah­an ng “happy birthday” song.

“Hitting a milestone birthday feeling loved and grateful! Thank you all for the sweet messages yesterday (heart emoji),” saad ni Demi.

Nagpaabot din ng mensahe ang maraming celebritie­s at ilan na sa mga nagkomento sa kanyang video ay sina Michelle Pfeiffer, Eiza Gonzalez, Rita Wilson, Laura Day, Arianne Phillips, at marami pang iba.

Bumati rin sa kanya si Emma Heming Willis, ang asawa ng kanyang ex-husband na si Bruce Willis.

Sa Instagram post ay ibinandera pa ni Emma ang litrato ng kanyang mister kasama si Demi at may caption pang, “Happy Birthday @ demimoore We love you inside and out.”

Matatandaa­ng noong 1987 nang ikinasal sina Bruce at Demi, pero nag-divorce din sila noong 2000 at nanatiling magkaibiga­n. Mayroon silang tatlong anak na sina Rumer, Scout at Tallulah.

Taong 2000 din nang ikinasal si Demi sa ikalawang asawa na si Ashton Kutcher pero naghiwalay din matapos ang anim na taon.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines