Daily Tribune (Philippines)

MAGDAMAGAN­G LIBRENG SAKAY SA EDSA BUS CAROUSEL, SISIMULAN SA DISYEMBRE 1

- NI SEBASTIAN NAVARRO

Inanunsyo ng Department of Transporta­tion (DoTR) na mas pinaaga na ang pagsisimul­a ng magdamagan­g libreng sakay sa EDSA Bus Carousel dahil sa halip na Disyembre 15, sisimulan na ng DOTr sa Disyembre 1 ang 24/7 na libreng sakay sa EDSA Bus Carousel, na tatagal hanggang Disyembre 31.

Inaasahang mas maraming pasahero ang makikinaba­ng sa programa, lalo’t extended ang oras ng mga mall dahil sa papalapit na Pasko.

Kung matatandaa­n, mula alas-4 ng madalingar­aw hanggang alas-11 ng gabi lang ang libreng sakay sa ruta, na bumabaybay mula Caloocan City hanggang Parañaque Integrated Terminal Exchange.

Ayon sa Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board (LTFRB), nasa 100 bus ang inaasahang bibiyahe sa EDSA sa “graveyard shift” simula Disyembre 1.

Tumatangga­p umano ng aplikasyon ang LTFRB para sa pagbibigay ng special permit para masuportah­an ang 24/7 na operasyon ng bus carousel.

Ayon sa DOTr, posibleng ito na ang huling yugto ng libreng sakay sa EDSA Carousel dahil walang pondong inilaan ang gobyerno para sa programa sa susunod na taon.

Nanawagan din ang kagawaran na mabigyan muli ang aloksyon ang programa para mapalawig pa ito.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines