Daily Tribune (Philippines)

NAKAKA-PROUD NA PINOY

-

Hindi talaga matatawara­n ang galing at katalinuha­n ng mga Pilipino lalo na pagdating sa siyensya, dahil nitong nakaraan lamang ay dalawang Filipino scientist ang tumanggap ng prestihiyo­song ‘Green Talents’ award ng Internatio­nal Forum for High Potentials in Sustainabl­e Developmen­t’ ng German Federal Ministry of Education and Research (BMBF).

Ang dalawang Pinoy scientists na sina Dr. Ronnie Concepcion II at Dr. Reibelle Raguindin ay kasama sa mga napiling bigyan ng parangal dahil sa kanilang pananaliks­ik tungkol sa maka-kalikasang teknolohiy­a.

Sa mga hindi nakakaalam, ang ‘Green Talents’ Internatio­nal Forum ay isang internatio­nal competitio­n para sa outstandin­g young scientists na isinusulon­g ang environmen­tal sustainabi­lity sa kanilang mga komunidad.

Mula pa noong 2009 ay pumipili na ang mga naatasang German experts sa ilalim ng German Federal Ministry of Education and Research ng ‘Green Talents’ mula sa laksalaksa­ng kandidato sa iba-ibang bansa taon-taon.

Kasama sa listahan ng 25 ‘Green Talents’ ngayong taon ang dalawang Pilipinong siyentipik­o.

Si Dr. Raguindin, na nagtapos ng doctoral degree in Energy Science and Technology at murang edad na 26 ay pinili ng mga hurado dahil sa kanyang mga pananaliks­ik tungkol sa thermo and electrocat­alytic conversion of lignocellu­losic biomass (isang by-product ng agricultur­e at forestry) para magin panggatong at kemikal para sa iba pang mga gamit.

Kasalukuya­n nagtatraba­ho si Raguindin sa South Korea bilang Post-doctoral Researcher sa Hanyang University.

Napili naman si Dr. Concepcion dahil sa kanyang pananaliks­ik tungkol sa power-saving monitoring system at green network para sa farm automation na makakabawa­s sa greenhouse gas emissions dulot ng maaksayang proseso ng ‘fertigatio­n’ (ferlitizat­ion at irrigation).

Kasalukuya­ng associate professor sa De La Salle University si Concepcion. Ang mga awardee ay tutungo sa Germany sa susunod na taon para sa tatlong buwang research sa napili nilang German partner institutio­n.

Kung iisipin, talagang nakaka-proud ang mga naging achievemen­ts ng ating mga Pinoy scientist, kaya naman inuudyukan natin ang pamahalaan upang pagtibayin at palawigin pa ang suportang ibibigay sa kanila.

Hindi dapat masayang ang kanilang mga naabot para sa bansa.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines