Daily Tribune (Philippines)

SAMANTHA BERNARDO, NAGHAHANDA NA

- NI JOY ASAGRA

Ready na para sa kanyang future si Miss Grand Internatio­nal 2020 first runner-up Samantha Bernardo dahil naniniwala ang model-beauty queen na hindi panghabang­buhay ang showbiz kaya naman gusto na niyang karirin ang pagkakaroo­n ng successful business.

Sa latest vlog niya sa YouTube, sinagot ni Samantha ang 30 questions about her personal life bilang bahagi ng pagdiriwan­g ng kanyang 30th birthday.

Nang matanong kung ano ang kanyang “ultimate career goal,” sinabi ng dalaga na nais niyang maging isang businesswo­man.

“As we age, alam ko naman na this industry will not be in my favor,” sabi pa ni Samantha.

Ngayon ay maganda at bumobongga naman ang career niya ngayon sa entertainm­ent industry matapos tanghaling first runner-up sa Miss Grand Internatio­nal 2020 at mas lalo pang dumami ang projects ni Samantha nang maging celebrity housemate siya sa “Pinoy Big Brother” season 10.

Pero sabi nga niya, hindi pa rin siya sure kung ito ba talaga ang gusto niyang gawin sa buong buhay niya kaya nais din niyang bigyan ng chance ang pagiging negosyante o entreprene­ur.

“Hindi ko rin sure kung ito talaga ‘yung gusto ko pang gawin, but at the moment I’m really maximizing everything. So mas nagugustuh­an ko talaga ngayong mag-business,” sabi ng dalaga.

Bukod sa pagiging host at ramp/ commercial model may sarili na ring sleepwear brand si Samantha. Isa rin siyang licensed financial advisor at minsan na ring inalok ng managerial position.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines