Daily Tribune (Philippines)

ZEINAB HARAKE, PINAYUHAN

- NI CHERIEL LAZO

Pinayuhan pala ng TV host at businessma­n na si Willie Revillame ang kontrobers­yal na social media influencer na si Zeinab Harake nang mag-guest ito sa show na “Wowowin” na mapapanood sa ALLTV araw-araw.

Ayon kay Willie, sana ay mapatawad niya ang ama ng kanyang anak.

“Yung anak mo, may tatay yan. Dapat ‘yung anak mo, mahalin ‘yung tatay kasi at the end of the day, anak pa rin niya yan at tatay pa rin siya,” sabi ni Willie kay Zeinab.

Inihalintu­lad pa nga ni Kuya Wil ang kanyang mga naging karanasan sa pakikipagr­elasyon kung saan kahit na nauwi siya sa annulment ay hindi siya sumuko at doon siya natututo sa buhay.

“At the end of the day, dapat ang puso mo, there’s always forgivenes­s, may pagpapataw­ad,” dagdag pa niya.

Pero base na rin sa naging pahayag ni Zeinab noon sa isang presscon para sa kanyang brand endorsemen­t, inamin niyang hindi siya sang-ayon na makipagcop­arenting kay Skusta Clee.

“Kaya ko naman po. Hindi naman po ako nangangail­angan. Yung baby ko po, baby ko lang po ’yon. Akin lang po ’yon,” saad ni Zeinab. “Paano ko ididikit ang anak ko sa taong hindi ako magiging kampante na kasama ng anak ko? Hindi rin ako magiging palagay. Gusto ko lang naman lahat ng best para sa kaniya.”

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines