Daily Tribune (Philippines)

RITA DANIELA, EXCITED NA

- Ni Joy Asagra

Excited na ang aktres na si Rita Daniela na makita ang kanyang first baby na pinangalan­an niyang Juan “Uno” Rafael at sa kanyang social media account, ibinahagi ng aktres ang ilang mga kaganapan tungkol sa kanyang pregnancy journey.

Sa kanyang IG, nag-post si Rita ng ilang selfie photos nitong nagdaang Linggo kung saan makikita ang natural niyang ganda dahil wala nga siyang make-up.

“No filter, just me in thirty-two weeks and four days of pregnancy,” ang inilagay niyang caption sa kanyang IGpost.

Kasunod nito, nabanggit nga ng Kapuso star kung gaano na siya ka-excited pati na ang kanyang mga kapamilya at kaibigan habang papalapit na ang araw ng kanyang pangangana­k.

“I cannot wait to see my son. Once he comes out, I know all the lonely days and nights are over. Hope is what i felt when i saw the greatest two lines of my life — you and the Lord are my hope, son,” sabi pa ni Rita sa kanyang caption.

Kung matatandaa­n, inihayag ni Rita ang kanyang pagbubunti­s noong June, 2022 sa isang episode ng Kapuso show na “All-Out Sundays.”

Maraming nagbigla sa announceme­nt ng singer dahil wala raw silang idea na magiging mommy na siya.

“I’m so happy and proud to say that I am soon to be a mother. Wala naman po akong planong ilihim ‘to. Naghanap lang po ako ng tamang oras para sabihin and to share the new blessing in my life,” sabi ni Rita.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines