Daily Tribune (Philippines)

DALAWANG HOLDAPER, NATIKLO

- NI SEBASTIAN NAVARRO

Nahuli ng mga otoridad sa Laguna ang dalawang lalaki na umano’y nambugbog sa isang lalaki at humalay sa kanyang nobya matapos silang holdapin ng mga ito.

Namamasyal umano sa Caliraya Lake sa Lumban, Laguna ang magkasinta­han nang bigla umano silang nilapitan ng mga suspek na kinilalang sina Danilo Barimbad at kasabwat na si Joseph Delos Reyes.

“May huminto pong tricycle. Bumaba po ‘yung isa sakay tinutukan po kami ng baril. Huwag daw po kaming sisigaw kasi holdap daw po. Akala po namin, kukuhain lang po ang mga gamit namin. Tapos bigla po kaming pinasakay sa tricycle,” sabi ng lalaking biktima.

Matapos nito, dinala raw sila sa madilim at masukal na bahagi ng Caliraya Lake.

“Hinampas po ako ng baril sa likod. Tumumba po ako, napasubsob po ako, sabay sinundan po ako ng medyo malaking katawan po… dun po ako pinag tatadyakan. Lahat po ginawa sa akin, pinaghaham­pas,” saad ng lalaki.

Ginahasa naman ang biktimang babae, at saka umalis ang mga salarin at nang makaalis na ang mga ito ay saka na nanghingi ng saklolo ang mga biktima.

Isinugod sa ospital ang babae na nagtamo ng mga stab wounds, habang ang lalake ay isinama ng mga awtoridad sa follow-up operations.

“Dumating ang isang tricycle na may kapareho pong descriptio­n. Positibo na pong itinuro ng ating biktima,” saad ni Lumban Municipal Police chief Police Captain Ed Pacana.

Unang nahuli ng pulisya ang suspek na si Barimbad saka niya binanggit ang kaniyang kasabwat na si Delos Reyes.

Batay sa imbestigas­yon, datin na silang nasangkot sa pagnanakaw at ilegal na droga.

Nagmamakaa­wa naman ang mga salarin na patawarin sila.

“Sana po mapatawad po nila ako. Mga lasing lang po kami. Eh napag-isip po na mang-holdap po,” saad ni Barmimbad.

“Ako po ang nangholdap po. Nagkuha ng mga cellphone. Sana po patawarin po nila ako,” dagdag pa ni Delos Reyes.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines