Daily Tribune (Philippines)

MAKAKAMIT NA NGA KAYA?

- Elmer N. Manuel Editor

Nitong nakaraan ay inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nalalapit na umanong makamit ng mga Pinoy ang ang P20 na presyo ng kada kilo ng bigas na isa sa kaniyang mga pangako noong panahon ng kampanya.

Matatandaa­ng umani ng batikos at pangunguty­a ang naturang pahayag ng Pangulo noong panahon ng kampanya dahil imposible umanong mangyari na bumaba sa P20 kada kilo ang bigas lalo’t nagtataasa­n ang mga presyo ng krudo at ilang pangunahin­g bilihin.

Pero ngayon, ipinagmama­laki ng Pangulo na malapit nang maabot ng mga Pilipino ang asam na pagbaba ng presyo ng bigas.

Sa paglulunsa­d ng “Kadiwa ng Pasko” na programa ng pamahalaan para mabigyan ng pagkakatao­ng makabili ang publiko ng mura pero dekalidad na mga bilihin diretso mula sa mga magsasaka, mangingisd­a at maliliit na negosyo, sinabi ng Pangulo na nasa P25 kada kilo ang presyo ng ibinebenta­ng bigas sa mga stall sa Kadiwa at ng National Food Authority.

“Nakita niyo, ang bigas, P25. Palapit na tayo doon sa ating pangarap na mag-P20. Pero dahan-dahan lang, aabutin din natin ‘yan,” saad ng Pangulo.

Bagaman wala umanong magagawa ang gobyerno sa mataas na inflation, dala na rin ng mga pangyayari sa labas ng bansa, nangako si Marcos na tutugunan ang pagtaas ng presyo ng bilihin sa pamamagita­n ng mga inisyatibo gaya ng “Kadiwa ng Pasko.”

Sa kabuuan, 11 Kadiwa sites ang binuksan sa Metro Manila at tig-isa naman sa Tacloban City, Koronadal City at Davao de Oro.

Nanawagan ang Samahang Industriya ng Agrikultur­a (Sinag) na gawing permanente ang Kadiwa sites sa Metro Manila para parehong matulungan ang mga konsumer at magsasaka.

Umapela rin ang grupo na sana’y masama rin ang iba pang produkto gaya ng pork at poultry products.

“Kung puwede gumawa ng fixed na store sa mga itong Metro Manila area para at least ‘yung mga magsasaka, puwedeng mabagsak doon sa area,” saad ni Sinag president Rosendo So.

Nangako si Marcos na magbubukas pa ng mas maraming Kadiwa sites sa iba-ibang lugar sa bansa.

Base naman sa pagbabanta­y ng Department of Agricultur­e sa presyuhan ng bigas sa Metro Manila, nasa P38 hanggang P50 kada kilo ang local commercial rice.

Kung tutuusin, talagang hindi malayong matupad na ang inaasam na mababang presyo ng bigas sa bansa, pero kailangan pa ring masiguro na maipatutup­ad nang maayos ang lahat ng programa ng pamahalaan na may kaugnayan sa ating mga magsasaka.

Panahon na talaga para pagtuunan ng pansin ang ating mga magsasaka na siyang nagsisilbi­ng backbone ng bansa.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines