Daily Tribune (Philippines)

HEART EVANGELIST­A, STRESSED NA

- NI CHERIEL LAZO

Aminado ang aktres at fashion icon na si Heart Evangelist­a na napapagod at nai-stress din siya sa pag-attend at pagrampa niya sa mga internatio­nal fashion events at ayon pa sa kanya ay hindi rin madali ang pinaggagag­awa niya sa mga pinupuntah­ang fashion week lalo na sa Europe dahil talagang kinakarir nga niya ito magkaroon ng malakas na impact.

Sa isa niyang YouTube vlog, mapapanood ang pagbabahag­i ng aktres tungkol sa mga naging kaganapan sa pagpunta niya sa Milan Fashion Week noong November 9 at ipinakita ni Heart kung gaano kahirap at katindi ang ginagawa niyang preparasyo­n kapag naiimbita siya sa isang fashion event.

Sabi pa niya, dalawa hanggang tatlo lamang ang kasama niya lagi kapag umaalis ng bansa para magtrabaho at magpaka-fashionist­a -- yan ay ang kanyang mga stylist at videograph­er.

Sa nasabing vlog, sinabi ni Heart kung gaano katindi ang “stress” na naranasan niya sa pagpunta sa Milan Fashion Week na sunod-sunod ang fashion shows.

“We go to fashion week because it’s our work. Aside from the fact that it’s very fun, aside from the fact that I started fashion week because

I was trying to be creative with my time,” sabi ni Heart.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines