Daily Tribune (Philippines)

INGAT SA PEKE

-

Nagbabala na ang Food and Drug Administra­tion (FDA) ng bansa sa mga naglilipan­a ngayon na mga umano’y pekeng gamot sa ilang mga online shopping platform at pinag-iingat nito ang publiko dahil kahit may ilang mga botika at manufactur­er na ang mga opisyal na account sa online shopping app, may mga account pa ring hirap tukuyin kung lisensiyad­o silang magbenta ng gamot.

Mula kasi nang pumasok ang COVID-19 pandemic, dumami ang counterfei­t o pekeng mga gamot sa merkado.

“Maraming gamot ang kinailanga­n natin, ascorbic acid, gamot sa ating lagnat, sipon, ubo, tendency niyan mas marmaing guamgawa ng counterfei­t,” saad ni FDA Common Services Laboratory director II Jocelyn Balderrama.

Ayon sa Department of Health, global public threat ang paglipana ng pekeng gamot dahil maaaring magkaroon ito ng masamang epekto sa kalusugan.

“Counterfei­ting of medicines is illegal and considered a serious threat to our individual health and welfare and may result in hospitaliz­ation, permanent disability, or worse, even death. It may also worsen existing illnesses and even cause adverse reactions if administer­ed in complicati­on with other medication­s,” sabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.

Hamon ngayon para sa mga awtoridad para mahabol ang pekeng gamot ay ang paggamit ng social media at mga app sa pagbebenta dahil ayon sa huling tala, nasa P53 milyon na ang halaga ng nakumpiska ng Criminal Investigat­ion and Detection Group at COVID-19 test kits mula 2020.

Pero sa mga kasong nasampa, nasa 24 porsiyento ang na-dismiss dahil sa kakulangan sa sertipikas­yon ng mga manufactur­er na peke nga ang kumpiskado­ng ebidensiya.

“Kung wala ang certificat­ion form competent bodies, hindi magpo-prosper ang kaso or yung mga naaresto na nagbebenta ng counterfei­t medicine ay irerelease agad ng prosecutor o korte. Very crucial ang certificat­ion an ibibgay,” sabi naman ni CIDG acting director Ronald Lee.

Ayon pa sa FDA, maparaan na ang panggaya ng mga gamot ngayon at hidni na sapat ang pagsuri lang sa kulay.

Maaaring gamitin ang verificati­on portal sa website ng FDA para malaman kung may certificat­e of product registrati­on ba ang nabibiling gamot.

Ayon naman sa World Health Organizati­on, isa sa mga dahilan kung bakit may mga nabibiktim­a ng pekeng gamot ay dahil mas mura ito kumpara sa lehitimong mga produkto.

Dahil dito, mahalaga na magkaroon ang publiko ng access sa mura, ligtas, at dekalidad na gamot.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines