RYZA CENON, NAGLULUKSA
Nagluluksa ngayon ang aktres na si Ryza Cenon sa pagpanaw ng kanyang alagang aso na si Mallows at sa kanyang IG, ibinahagi niya ang larawan habang nakaburol ang kanilang alagang aso.
“Run free!! No goodbyes! I know we’ll see you again someday,” saad ni Ryza. “We love you Mallows (pink heart emoji).”
Noong Sabado, November 9 nang mamaalam na ang alagang aso ni Ryza sa kanilang piling.
May video post rin siyang ibinahagi sa kanyang Instagram account kung saan makikita ang mga larawan nilang magkasama.
“Salamat sa 15 years na kasama ka MALLOWS. Thank you kasi hinintay mo si Night. Sinigurado mo na bago ka magpaalam na ok ako,” sabi ni Ryza. “Thank you, mamimiss ka namin lalo si Night wala na syang tatawagin Mawww. Rest well & run free Mallows. We love you so much!! RUN FREE, NO GOODBYES!”
Si Night ay ang panganay na anak ni Ryza.
Marami naman ang nagpaabot ng pakikiramay sa aktres sa comment section.
Sa kabila ng bagong achievement ni Ryza ay makikita pa rin sa Instagram story ng aktres ang pangungulila nito kay Mallows.