Daily Tribune (Philippines)

CARLA ABELLANA, NAGPALIPAS MUNA

- NI JOY ASAGRA

Aminado ang aktres na si Carla Abellana na pinalipas niya muna ang sakit ng kalooban at talagang hindi pa umano siya handng magsalita noong kasagsagan ng issue ng paghihiwal­ay nila ni Tom Rodriguez dahil kahit daw siya ay naguguluha­n sa mga nangyari.

“Ang daming lumalapit para magtanong kung pwede ma-interview or magbigay ng statement. Most especially a few months back, so of course I completely understand kung bakit you know, gusto lang nila basically ng answer,” sabi ni Carla.

“So honestly, at that time, talagang I wasn’t ready. I wasn’t in the right mind space or state in my life na magsasalit­a ako na I open up and reveal very sensitive or important informatio­n, ‘yung personal talaga,” sabi pa ni Carla.

Inamin rin ni Carla na matindi ang nararamdam­an niyang pressure nu’ng mga panahong yun dahil feeling ng mga tao, lalo na ng mga fans nila ni Tom na deserve nila ang kanilang explanatio­n pero ayon sa kanya, ayaw naman daw niyang magsalita sa publiko habang pina-process pa niya sa kanyang isip at puso ang pagkawasak agad-agad ng kanyang married life.

“Ayoko namang at the height of whatever event or situation magsasalit­a ka tapos baka may masabi kang hindi maganda or dala ng emotions mo or whatever it is you were going through that time. Ang hirap din naman ‘yung ganu’n na hindi mo binigyan ‘yung sarili mo ng time and, basically, kung ano man nangyayari hindi mo pa napoproses­o. So mahirap din and we have to be, of course, careful din naman with what we say and then when we say it, mga ganu’n bagay,” paliwanag ni Carla.

“Gustuhin mo man magsalita na ‘di ba, bugso ng damdamin mo or whatever, hindi naman din basta-basta ganu’n. Plus, ‘yun nga, tao din kami na may emotions, may mga pinagdadaa­nan, may mga problema din and struggles in life. So, you know, because na rin nga of social media, unfortunat­ely nawawala nga ‘yung parang fine line between public and ‘yung private na lives namin. So ‘yun mahirap din ‘yun,” dagdag niya.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines