VHONG NAVARRO, NASA TAGUIG CITY JAIL NA
Inilipat na sa kustodiya ng Taguig City Jail ang aktor at television host na si Vhong Navarro na nahaharap sa kasong rape at acts of lasciviousness mula sa poder ng National Bureau of Investigation (NBI).
Kinumpirma ng legal team ni Navarro sa pangunguna ni Atty. Maggie Garduque na nailipat na nga ang aktor sa Taguig City Jail.
“We confirm the transfer of Vhong today from NBI to BJMP (Bureau of Jail Management and Penology),” saad ni Gardugue.
Ang Taguig City Jail ay sakop ng BJMP. “This is in compliance with the order of the court dated November 7, 2022,” dagdag niya.
Ayon sa NBI, sasailalim si Vhong sa mandatory medical examination, RT-PCR test, na bahagi ng health protocols.
Nahaharap si Vhong sa kasong panghahalay sa model-stylist na si Deniece Cornejo na nangyari umano noong Enero 2014.
Nauna nang itinanggi ng aktor ang alegasyon laban sa kaniya.