Daily Tribune (Philippines)

MIKEE QUINTOS, BALIKVLOGG­ING

- NI JOY ASAGRA

Binuhay muli ng aktres na si Mikee Quintos ang kanyang YouTube channel at masaya niyang inanunsyo ang kanyang upcoming vlog series ng “Sincerely, Mikee” na may isang teaser video kung saan makikita ang pagiging fashionist­a niya.

Kasama sa video ang ilan sa kanyang chic outfits, mula sa mga flowy dress hanggang pantsuits at ayon sa dalaga, hindi lang buhay artista ang kanyang ibabahagi sa “Sincerely Mikee,” kundi pati rin daw ang kanyang special moments sa buhay.

“Holla, Sweetie! Welcome to ‘Sincerely Mikee’, my official YouTube channel where you can have a peek into my profession­al and personal life — and of course, the special moments in between,” sabi ni Mikee.

“In this way, I hope to spread happiness, motivation, and positivity to all of you dreamers out there… just like me. Come and join me in this journey by subscribin­g! See you soon, Sweetie!” dagdag niya.

Maraming fans naman ang looking forward sa upcoming vlogs ng aktres.

Kasalukuya­ng in a relationsh­ip si Mikee sa aktor na si Paul Salas at nitong Hulyo lang isinapubli­ko ng dalawa ang tunay nilang relasyon at inaming isang taon na silang mag-on.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines