Daily Tribune (Philippines)

DMW, NAGBABALA LABAN SA SCAMMERS

-

Ayon kay DMW Secretary Susan Ople, dapat umanong iwasan ng mga OFW na makakakuha ng backwages ang mga taong magpapangg­ap at magpapakil­alang mga “middleman” at mangangako­ng mapapabili­s ang proseso ng kanilang hinahabol na sahod at mga hindi nabayarang benepisyo sa KSA.

Dagdag pa ng kalihim, ipaparatin­g nila agad ang mga ganitong insidente sa mga otoridad at isusuplong ang mga taong magpapakil­alang middleman na nakapasok na umano sa mga chat group ng mga claimant.

“Maawa po sana yung mga gagawa niyan,” sabi pa ni Ople.

Una nang iniulat na sasagutin ng gobyerno ng Saudi Arabia ang mga hindi nabayarang sahod at benepisyo ng mga dating OFW na nawalan ng trabaho noon mula 2015 hanggang 2016 matapos mabangkaro­te ang mga pinasukan nilang mga kompanya sa nasabing bansa sa Middle East.

Kasunod ito ng bilateral meeting nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Saudi Crown Prince Mohammed Salman sa sideline ng Asia-Pacific Economic Cooperatio­n Summit sa Thailand noong nakaraang linggo.

Maglalaan umano ang Saudi Arabia ng 2 billion rials para mabayaran ang nasa 10,000 OFWs.

“The DMW is willing to send a team to the Kingdom of Saudi Arabia if this will hasten the process of consultati­ons,” saad ni Ople.

Gayunman, sinabi ni DMW Undersecre­tary Hans Leo Cacdac, na pag-uusapan pa lang kung paano at kailan sisimulan ang proseso ng pagbabayad.

“Who will be on the list, I think that will be one of the topics of discussion with the Saudi side,” sabi ni Cacdac.

Samantala, pinaalala ng DMW na sila ang mag-aanunsiyo kung kailan at ano ang mga rekisito na kailangang ihanda ng mga OFW na claimant.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines