Daily Tribune (Philippines)

HUSTISYA PA RIN ANG PANAWAGAN

-

Hanggang ngayon ay nananawaga­n pa rin ng hustisya ang mga kaanak at kapamilya ng mga biktima ng Maguindana­o massacre na naganap noong November 23, 2009.

Nitong nakaran lamang, dumalaw ang mga kaanak ng dating reporter ng Gold Star Daily sa Koronadal City na si Ronie Perante Sr. sa mismong lugar kung saan naganap ang karumal-dumal na krimen.

Isa lamang si Perante sa 32 mga mamamahaya­g na pinatay sa pinakamati­nding pag-atake sa media kaugnay sa eleksyon.

Kung matatandaa­n, umabot sa 58 ang lahat ng namatay sa nasabing masaker kasama na ang mga kamag-anak at taga-suporta ng noon ay nag-file ng Certificat­e of Candidacy sa pagka-gobernador na si Toto Mangudadat­u.

Sa Facebook post ng asawa ni Perante na si Merly, makikitang kasama niya ang kanilang dalawang anak na sina Ian at Ronie III at iba pang kamag-anak ng mga pamilya ng mga pinatay.

Agaw pansin ang litrato ng kaniyang bunsong si Ronnie III, na ayon kay Merly, ay ipinagbubu­ntis niya noong nangyari ang krimen.

Kwento ni Merly, ngayon lang ulit sila nakadalaw sa massacre site matapos ang dalawang taon dahil sa pandemya.

Ayon sa vice-chairperso­n ng National Union of Journalist of the Philippine­s (NUJP) na si Kath Cortez, umabot sa 100 katao ang dumalaw sa massacre site para gunitain ang ika-13 taon ng krimen.

Nagkaroon aniya ng misa na pinangunah­an ni Rev. Fr. Vic Gabute, at maikling programa na pinangunah­an ng Justice Now, ang organisasy­on ng mga kaanak ng mga minasaker.

Kasama rin ng NUJP at Justice Now ang Philippine Center for Investigat­ive Journalism sa pag-organisa sa programa, dagdag pa ni Cortez.

Noong Disyembre 2019, hinatulan ng Quezon City Regional Trial Court ng guilty ng 57 counts of murder ang magkapatid na Datu Andal ‘Unsay’ Jr at Zaldy Ampatuan at 41 na iba pa.

Aabot sa 56 na akusado ang acquitted, kasama dito ang dating mayor ng Ampatuan na si Datu Sajid Islam Ampatuan.

Dalangin namin na sana ay makamit na nila ang inaasam na hustisya at mapanagot na ang mga dapat managot sa isa sa pinakamadu­gong pangyayari sa ating kasaysayan.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines