IZA CALZADO, HINDI FAN NG GENDER REVEAL
Dismayado pala ang aktres at Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach sa balitang may kinalaman sa kanyang isinusulong na advocacy dahil ni-reject ng Department of Justice (DoJ) ang pagsusulong sa Sexual Orientation and Gender Identity Expression Equality o SOGIE bill, pati na rin ang paglelegalize sa same-sex marriage, divorce, and abortion.
Kung matatandaan, sinabi ni DoJ Secretary Jesus Crispin Remulla na nireject nila ang panawagang iyon ng United Nations na maisabatas at maipatupad ang mga iyon dito sa bansa dahil hindi umano katanggap-tangap ang mga ito sa isang predominantly Catholic country gaya ng Pilipinas.
Ikinadismaya ni Pia ang balitang ito at sinabing tila paurong ang Pilipinas bilang isang bansa.
“Waking up to this.. Are we going backwards as a nation?” tanong n’ya sa inilagay n’yang caption sa isa niyang IG Story kalakip ang screenshot photo ng nasabing balita mula sa isang news outlet.
“The SOGIE bill has been a topic of discussion whenever I’m with my LGBTQIA+ friends and I’ve learned so much more about it over the years,” dagdag pa niya.
Sinabi pa ni Pia, equality ang main goal sa pagsusulong ng SOGIE bill at makikinabang dito even those who identified themselves as straight people.
“To be clear, it’s not about taking away any rights from straight people, and it’s not giving ‘special rights’ to the LGBTQIA+ community either,” pagdidiin ni Pia.
“It’s about EQUALITY. Yung pantay-pantay tayong lahat. So that our rights, safety, and well-being are protected. WE ALL NEED THIS,” dagdag niya. “Kahit ikaw na straight makikinabang ka dito. Please if you haven’t, a quick google search will tell you what the SOGIE bill is all about.”