Daily Tribune (Philippines)

LIZA SOBERANO, TUMATAMLAY ANG CAREER?

- NI CHERIEL LAZO

Ilang mga netizens ang nanghihina­yang umano sa aktres sa ni Liza Soberano kaugnay sa itinatakbo ng showbiz career ng dalaga at ayon pa sa ilan, bumaba na umano ang premium ni Liza at unti-unti nang sumasadsad ito.

Ayon sa ilan, mukhang hindi pumatok ang dalaga sa showbiz journey nito abroad.

“Isipin mo, dito bida-bida siya as in bida, nagli-lead role sa mga teleserye, maganda ang ratings, mga commercial niya patok. Nagpunta sa abroad…nagka-pelikula pero hindi naman siya na-recognize,” saad ng isang kolumnista.

“Ang tawag sa kanya, internatio­nal ‘micro-starlet’, kasi biruin mo nakikisama lang siya, nagiging itsurang faney lang siya doon sa mga artistang nakikita niya, papicture. Para nga naman kapag nagpa-picture siya, pag may nakita doon sa artistang sikat e masasama siya,” dagdag pa nito.

Ayon naman sa veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin, tila nasayang umano ang pinaghirap­an ng sating manager ni Liza na si Ogie Diaz ang mga pinaghirap­an nila sa showbiz.

“Ako, huhugot ako doon sa simula. Alam namin na medyo magiging emosyonal si Ogie Diaz tungkol sa aming usapin na ito. Inalagaan ‘to ni Ogie eh, pinalaki ‘to ni Ogie, inalagaan nang todotodo para maabot ‘yung pangarap niya at nagtagumpa­y naman sila bilang talent at manager tapos biglang ganito. ‘Yung pinaghirap­an niya, parang sumadsad eh, sadsad masyado,” sabi ni Cristy.

Pakiramdam din daw ni Cristy na may nag impluwensy­a sa aktres kaya ito umalis sa pangangala­ga ni Ogie.

“Ito ‘yung punto natin na inalagaan nang todo ni Ogie Diaz ang kanyang karera, pinagtagum­pay naman siya ng kanyang kapalaran, hindi kaya may nagsulsul sa batang ito para kumawala sa pangangala­ga ni Ogie at lumipat ng iba? Ako, may duda ako eh. May duda ako na may nagsusul dito, maraming ‘sulsultant’ dito eh,” saad pa niya.

Matatandaa­ng noong Hunyo lamang nang opisyal nang lumipat si Liza sa talent agency ni James Reid na “Careless Music” na ayon kay Liza ay tututukan niya rin ang kanyang music career bukod sa pagaartist­a sa abroad.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines