Daily Tribune (Philippines)

NADINE LUSTRE, WALANG HARD FEELINGS

NI CHERIEL LAZO

- NI CHERIEL LAZO

Aminado ang aktres na si Nadine Lustre na walang isyu o problemang nakikita ang dalaga kung sakaling ang ex-couple sa teleserye at pelikula. magtambal uli sila sa isang proyekto ni James Reid at kahit matagal nang hiwalay sina James at Nadine napakarami pa ring JaDine fans ang umaasa na sa kanya ang idea. muli nilang mapapanood ang ex-couple sa teleserye at pelikula. Nang matanong si Nadine sa presscon ng kanyang Metro Manila Film Festival 2022 entry na “Deleter” na idinirek ng premyadong filmmaker na si Mikhail Red, sinabi ng dalaga na okay lang sa kanya ang idea. “We will see. We don’t know what to expect. That’s what I’ve been telling everyone. If it’s a good project, why not? I’m a very collaborat­ive person. Hindi naman kami magkaaway,” sabi ni Nadine. Hollywood star. Natanong din siya kung ano ang reaksyon niya sa mga JaDine fans na patuloy na umaasa na sila pa rin daw ni James ang magkakatul­uyan sa ending.

Maikling sagot ni Nadine, “2023 na po. It’s time for us to start a new chapter.”

In fairness, mukhang maligayang-maligaya naman ang dalaga sa piling ng kanyang French businessma­n boyfriend na si Christophe Bariou na nakabase sa isla ng Siargao.

Si James naman ay nasa Amerika pa rin para sa kanyang mga commitment­s doon. Siya rin ang tumatayong manager ng Kapamilya star na si Liza Soberano na nangangara­p namang maging Hollywood star.

Samantala, super excited na si Nadine sa kaunaunaha­n niyang horror movie under Viva Films na isa sa walong official entry sa 2022 MMFF na magsisimul­a na sa December 25.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines