Daily Tribune (Philippines)

PCSO, NAMIGAY NG AYUDA SA VISAYAS LGUS

- NI SEBASTIAN NAVARRO

Pinangunah­an ni Philippine Charity Sweepstake­s Office (PCSO) general manager Melquiades A. Robles ang pamimigay ng mga tseke na kumakatawa­n sa Lotto at Small Town Lottery (STL) shares, sa dalawampu’t pitong Local Government Units (LGU) sa Visayas nitong Huwebes.

Ang turnover ceremony ay ginanap sa bayan ng Malay, Aklan at dinaluhan ng mga pinuno/kinatawan ng Probinsya ng Aklan at mga munisipali­dad nito tulad ng Banga, Nabas, Numacia, Makato at Malay; Roxas City, Capiz; Probinsya ng Iloilo at Iloilo City; Silay City at Kabankalan City, Negros Occidental; Tanjay City at Bindoy, Negros Oriental; Consolacio­n, Cebu; mga munisipali­dad sa Eastern Samar kabilang ang Dolores, Taft, Jipapad, Balangkaya­n, Balangiga, Can-Avid at Borongan City; Probinsya ng Leyte at mga munisipali­dad nito kabilang ang Merida at Tabango; mga munisipali­dad sa Probinsya ng Northern Samar kabilang ang Catarman, Allen and Laoang.

Sa kabuuan, ang naipamahag­ing shares para sa mga nabanggit na LGUs ay P11,788,540.00. Ang nasabing halaga ay parte ng P43,739,341.81 ng kabuuang lotto at STL shares ng Visayas Region.

Patuloy pa rin ang PCSO sa pagbibigay tulong at serbisyo para sa mamamayan na nangangail­angan ng agarang kalinga. Gayundin, kaagapay ng Ahensya ang iba’t-ibang mga pamahalaan­g lokal sa buong bansa sa pagsasakat­uparan ng layuning ito.

Samantala, inihayag ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Huwebes na mayroon nang 100 recruitmen­t agencies ang inaprubaha­n para makapagpad­ala ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA).

Ayon pa kay DMW Secretary Susan Ople, nirerepaso na rin umano ang mga job order at patuloy pa rin ang pagsusuri sa iba pang recruitmen­t agencies.

“Nag-approve na kami ng 100 na recruitmen­t agencies dito tsaka sa Saudi Arabia. Patuloy ‘yung pag-a-approve namin,” saad ni Ople.

Idinagdag ni Ople na sinusuri na rin ng labor attachés ang mga job order.

Nauna nang sinabi ni Ople na magkakaroo­n na muli ng whitelist at blacklist ng mga recruitmen­t agency para magabayan ang mga nais magtrabaho sa KSA sa agency na kanilang pupuntahan.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines