Daily Tribune (Philippines)

ANDI EIGENMANN, MAY MENSAHE SA ANAK

- NI JOY ASAGRA

Napakatami­s ng mensaheng ipinaabot ng aktres at vlogger na si Andi Eigenmann para sa kanyang panganay na anak na si Ellie at sa kanyang IG, ibinahagi ng actress-vlogger ang video clip na naglalaman ng mga larawan ng anak simula noong maliit pa ito.

“Happy birthday to this little lady. The past 11 years of my life have been golden because you are in it,” saad ni Andi sa caption. “Hoping it’s even just half as amazing for you. I am here for you all the way, my girl 4 life! Moma loves you Ellie!!!”

Marami naman ang nagpaabot ng pagbati para sa pretty birthday girl. “Happy birthday Ate Ellie! You got the best of both world!! We love and support you,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng tiyuhin ni Andi na si Michael De Mesa, “Happy Birthday Ellie (hearts emoji)”

“Happy birthday, Ellie love! Hope you have a good one! Also, I miss you na! Love you babe,” sabi naman ni Julie Eigenmann.

Maging ang dating karelasyon ni Andi at ama ni Ellie na si Jake Ejercito ay hindi rin nakalimot na batiin ang anak sa kanyang espesyal na araw. “Daigdig ko. Happy birthday,” sabi ni Jake kalakip ang larawan ng anak. Makikita rin sa recent IG story ni Andi ang naging simple celebratio­n ni Ellie kasama ang kanilang pamilya at ang mga kaibigan nila sa Siargao.

Tuwang-tuwa pa nga ang kanilang mga kaibigan habang kinakantah­an siya ng “Happy Birthday” song.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines