Daily Tribune (Philippines)

DONNALYN BARTOLOME, NAGHIHINTA­Y PA RIN

- NI CHERIEL LAZO

Hinihintay pa rin pala ng singera vlogger na si Donnalyn Bartolome ang bank account ni Xian Gaza at sa kanyang FB ay ibinahagi ng dalaga ang larawan ng kanyang kaibigan na si Mariel kung saan pinakikius­apan niyang ideposito na ang pera kay Xian Gaza.

Base sa caption ni Donnalyn, nakisuyo na siyang ideposito ang pera sa bank account ni Gaza dahil ilang araw na itong nasa kanya ngunit hanggang ngayon raw ay wala pa ring sini-send ang lalaki kaya hindi nila ito maibigay.

“ANO NAAAAAA?” dagdag pa niya. Matatandaa­ng nagkahamun­an sina

Donnalyn at Xian sa social media na nagsimula noong mag-post ang huli patungkol sa mga kababaihan na nagbabayad ng VIP tables gamit ang perang ibinigay ng kanilang sugar daddies.

Agad namang pumalag ang singervlog­ger sa pahayag ni Xian at sinabing hindi lahat ng babae ay tulad ng sinasabi ng social media personalit­y.

“No offense Gaza pero wag mo lahatin, merong mga babaeng kayang magbayad ng VIP table kahit san mo pa siya dalhin. Nasaan ka ba at ako pagbayarin mo sa VIP table—club of your choice,” sabi ni Donnalyn.

Sumagot naman si Xian at ipinakita ang picture ng bill niya sa isang VIP table sa Singapore na nagkakahal­agang P195,000.

“Donnalyn, nasa Marquee Singapore po ako. Paki-reimburse. P195K in Philippine peso,” sey ni Xian.

Agad naman itong sinagot ng dalaga at sinabing “Chat mo sakin bank account mo friend.”

Saad pa ni Donnalyn sa hiwalay na comment, “Chat na friend wag ka na mahiya Send bank account na, wire ko agad thank u.”

Linggo pa nang mangyari ang hamunan sa pagitan ng dalawa ngunit magpasahan­ggang ngayon ay tila hindi pa rin sila nakakapag-usap.

“Ano na friend? Baka sabihin nila scripted eh,” hirit pa ni dalaga.

 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines