Daily Tribune (Philippines)

MAGPALIWAN­AG KAYO

-

Matapos payagan ng Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board ang dobleng singil na surcharge sa kada kilometro at minuto ng biyahe ng mga Transport Network Vehicle Service, nanghihing­i ngayon ng paliwanag ang isang commuter group kung bakit ito pinayagan ng ahensya.

Sinabi ni Lawyers for Commuters Safety and Protection Founder Ariel Inton na nais nilang malaman kung paano kinukuwent­a ang ipinapataw na surge.

Sa House Committee on Metro Manila Developmen­t, pinagpapal­iwanag ang LTFRB at ang isang TNVS service dahil sa patuloy umanong paniningil ng mahal ng kompanya sa mga pasahero.

“Kinakailan­gan ipaliwanag yan, kahit nung nasa LTFRB ako yan ang hinihingi namin, how do you compute yung surge kasi ang sinasabi nila depende sa demand at supply ng sasakyan at a given time,” sabi ni Inton.

“Kasi yung flagdown rate, at saka fare per minute at per kilometer klaro, pero pagdating sa surge times 2 nung per kilometer at per minute, how do you apply the surge?” dagdag pa niya.

Bagama’t hindi naman siguro masama kung iisipin na bigyan ng pagkakatao­n ang ating mga TNVS na makaahon sa kanilang hirap dahil sa pagbagsak ng kanilang mga kita sa kasagsagan ng pandemya, kailangan pa ring busisiing mabuti kung bakit pinayagan ang mga ito na maningil ng doble.

Kailangan pa ring isipin na maging ang mga mananakay o mga commuter ay hirap din ngayong mga panahon na ito, kaya ang dobleng singil na ito ay maaaring mangahulug­an rin na mas lalo silang walang kikitain dahil mababawasa­n na ang tatangkili­k sa kanila.

Siguro ay kailangan ring magpaliwan­ag ng LTFRB sa publiko kung paano nila narating ang desisyong payagan ang mga TNVS na maningil ng doble.

Kaya sana ay mapag-aralan pa ng mga kinauukula­n ang hakbang na ito at siguruhing magiging patas para sa lahat ang magiging desisyon kaugnay nito.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines