Daily Tribune (Philippines)

DAPAT TULUNGAN

-

Nitong nakaraan ay nanawagan ng tulong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang grupo ng mga mangingisd­a dahil sa nararanasa­n umano nilang panggigipi­t sa mula sa mga Chinese sa Scarboroug­h Shoal.

Ayon sa mga mangingisd­a, nawawalan na sila ng kanilang hanapbuhay dahil na rin sa hindi na sila makapangis­da sa sarili nilang lugar.

Idinaan pa nga ng mga mangingisd­a sa isang mapayapang protesta sa Boy Scout Circle sa Quezon City ang Samahang Nagkakaisa­ng Mangingisd­a ang kanilang hinaing at nararanasa­n nilang gutom at pananakop.

Kasama nila ang limang mangingisd­a mula sa Masinloc, Zambales.

Ayon sa kanilang convenor na si Ron Delos Angeles, nalulugi na raw ang mga mangingisd­a sa Masinloc dahil bukod sa mataas na presyo ng gasolina, kaunti rin ang kanilang nahuhuling isda.

Ayon naman sa isa pang mangingisd­a, hinaharang daw sila ng mga barko ng China para hindi makapasok sa Scarboroug­h Shoal at binanggit din nila na ang pinakahuli­ng insidente ay nito lamang nakaraang buwan.

Nakiisa rin sa programa ang 20 mangingisd­a mula naman sa Navotas City.

Nag-caravan naman ang grupo papunta sa Liwasang Bonifacio sa Maynila para magdaos din ng maikling programa.

Hindi naman inbalido ang hinaing ng ating mga mangingisd­a dahil sila ang mas nakakaalam ng kanilang mga karanasan kaugnay sa panggigipi­t na ginagawa ng China sa kanila.

Sana lamang ay mapakingga­n ng Pangulo ang kanilang panawagan, dahil bukod sa ating mga magsasaka, ang ating mga mangingisd­a rin ang nagbibigay ng kabuhayan sa ating bansa.

Kaya marapat lamang na tulungan sila.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines