Daily Tribune (Philippines)

PUBLIC SCHOOL TEACHER, TIKLO SA PAGTUTULAK NG DROGA

- Ni Sebastian Navarro

Inaresto ng mga tauhan ng Laguna Police ang isang elementary public teacher na nagtutulak ng ilegal na droga at nasabat mula sa guro ang 16 na sachet ng hinihinala­ng shabu sa isang buy-bust operation noong November 18.

“Ang modus niya po is kukuha po doon sa Bay, Laguna then ibabagsak po dito sa Sta. Cruz, Laguna. After niya po sa school magturo, then sa gabi, ang modus niya po is magbenta po ng pinagbabaw­al na droga,” saad ni Police Major Gabriel Unay, Chief of Sta. Cruz Police.

Bukod sa pagtutulak ng droga, may nadiskubre pa ang pulis sa umano’y illegel aktibidad ng naarestong guro.

“Kukuha po siya ng babae or makarelasy­on niya then papagimiti­n niya ng pinagbabaw­al na droga yung partner niya. Then after that, ‘yun na po yung magsisilbi­ng kabayaran po nung ano---. Nakakalung­kot isipin talaga na public school teacher, which is tinuturuan niya po is elementary students, then sa gabi, ‘yun po yung nagiging trabaho niya. Parang teacher by day, pusher by night,” sabi pa ni Unay.

Labis naman ang pagsisisi ng guro na may mensahe sa kanyang mga estudyante. Sambit nito, “sa lahat ng mga naging estudyante ko, pasensya na kayo at bigla akong nawala.”

“Ito ako, nakakulong sa isang pagkakamal­i na sana kapulutan niyo ng aral,” dagdag niya.

Sa ibang balita, isang holdaper ang naaresto nang pumalag ang isang babae na kabilang sana sa kaniyang mabibiktim­a sa isang spa sa Cavite.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Jeffrey Encarnacio­n, isang AWOL na miyembro ng Philippine Marine Corps.

Pinuntirya ni Encarnacio­n ang isang spa sa Trece Martires kung saan nagpamasah­e, manicure at pedicure pa muna ang suspek bago nagdeklara ng holdap.

Pero napansin ng therapist na si Benaliza Pulgo na may kakaiba sa hawak na “baril” ni Encarnacio­n kaya nanlaban siya.

“Nakabalot po siya sa may medyas na itim tapos maliit lang siya. Sabi ko magaan lang tingnan… mukhang peke to. Tapos ‘yung habang kinuha niya cellphone namin at tinatalian ‘yung kasamahan kong isa, ayun du’n na ako naglakas-loob na tulakin siya,” ani Pulgo.

Dito na raw tumulong ang iba pa niyang kasama. “Hinampas ko po siya ng bat sa ulo tapos nahilo po siya at nanghina. Dito na po siya nahuli ng mga pulis,” saad ni Mark Gaan.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines